Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nanawagan sa mga Tsinoy na mangangalakal:  magbayad kayo ng tamang buwis

(GMT+08:00) 2013-06-05 19:04:08       CRI

PINAALALAHANAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga Tsinoy na mangangalakal na magbayad ng tamang buwis sa tamang panahon.

Sa panunumpa ng bagong pamunuan ng Federation of Filipino – Chinese Chambers of Commerce and industry, Inc. sa Rizal Hall ng Malacanang, pinuri niya ang pederasyon sa malaking kontribusyon subalit hinilingang maging mabubuting halimbawa sa pagtupad sa kanilang nararapat gampanan sa pamahalaan.

Ayon sa pangulo, samantalang nakikinabang ang mga Tsinoy sa magandang takbo ng ekonomiya umaasa siyang magiging handa ang mga negosyanteng magbahagi ng kanilang kinita sa pagbabayad ng sapat at napapanahong buwis.

Umaasa umano siyang magpapatuloy ang ambag ng mga Tsinoy na negosyante. Higit umanong yayabong ang pagsasama ng pamahalaan at ng Federasyon.

Samantalang walang direktang binanggit na pagbabayad ng buwis, nangangahulugan ang mga pahayag na ito na obligasyon nilang magbayad ng tamang buwis.

Noong Marso, pinuna niya ang Federasyon sa hindi pagbabayad ng buwis. Sinabi niyang 424 mula sa 552 kasapi sa samahan ng mga mangangalakal ang mayroong tax identification numbers subalit 185 lamang ang nag-file ng kanilang income tax returns. Labing-apat sa nag-file ay walang buwis na binayaran.

Idinagdag pa ng pangulo na umabot lamang sa 54 mula sa 207 kasaping organisasyon ang nag-file ng income tax return at 38 sa mga ito ang mayroong zero tax due.

Samantala, sinabi naman ni Dr. Alfonso Siy, ang bagong pangulo ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. na sila'y nakikipagtulungan sa Kagawaran ng Pananalapi at sa Bureau of Internal Revenue. Idinagdag pa niya na tama ang buwis ng kanilang binabayaran.

Nangako rin ang samahan na tutulong silang mapanatili ang 7.8% growth na natamo ng ekonomiya ng bnasa sa pagsusulong ng investments at turismo sa ibang bansa. Pinasisigla rin nila ang kanilang job-generation campaign sa pamamagitan ng "Buy Pinoy, Save Jobs" campaign.

Pinuri ni Pangulong Aquino ang pangako ng samahang maglalaan ng 400 silid-aralan sa ilalim ng kanilang proyektong "Operation: Barrio Schools" na sinimulan noon pa mang 1960s.

Nakapagpatayo na ang FFCCCI ng may 9,000 silid-aralan mula noong 1961. Nangako rin ang samahan na maglalaan ng P 80 milyon para sa pagtatayo ng 400 na silid-aralan o 200 school buildings. Sa pagdiriwang ng samahan ng ika-60 anibersaryo sa 2014, maglalaan sila ng four-year scholarships sa 60 high school graduates na mag-aaral ng Edukasyon.

Pangalawang Pangulong Binay, nakipag-usap sa Foreign Minister ng Alemanya

NAGKAUSAP na sina Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay at Dr. Guido Westerwelle sa Federal Foreign Office kahapon sa Alemanya. Sinamahan si G. Binay ni Philippine Ambassador to Germany Maria Cleofe R. Natividad at ng kanyang delegasyon.

Pinag-usapan nila ang matatag na relasyon ng dalawang bansa na magdiriwang na ng ika-60 anibersaryo sa susunod na taon. Natalakay din ang pagtutulungan ng dalawang bansa.

Nagsimula ang mainit na relasyon sa pagdalaw ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario sa Berlin noong 2011.

Pinuri ni G. Binay ang masiglang relasyong namamagitan sa dalawang bansa, tulad na rin ng mga pinakahuling pangyayari tulad ng dalawang sunod na upgrades sa investment ratings at ang kinahinatnan ng katatapos na mid-term elections na kinakitaan ng masiglang pagkilala sa Demokrasya.

Idinagdag pa ni G. Binay ang mahahalagang pagdalaw nina Foreign Minister Westerwelle ay Labor Minister Dr. Urusula von der Leyen noong Marso upang sumaksi sa paglagda sa isang kasunduan hinggil sa pagpapadala ng narses mula sa Pilipinas. Malaking tulong sa Pilipinas at sa Alemanya ang pagpapadala ng narses ibayong dagat.

Nanawagan ang pangalawang pangulo sa Alemanya na dagdagan ang kanilang kalakal sa Pilipinas at gumastos sa human capital sa pamamagitan ng pagtutulungan sa larangan ng edukasyon, partikular sa dual system of vocational training kasabay ng pagpapatupad ng K-to-12 program sa Philippine educational system.

Mahalaga rin ang papel ng mga magdaragat na mula sa Pilipinas sapagkat sila ang bumubuo ng 80% ng mga tauhan sa merchant fleet ng Alemanya. Malaking bagay din ang pakikipagtulungan ng mga Alemang mangangalakal sa maritime sector upang higit na sumigla ang maritime training centers sa Pilipinas.

Senador Juan Ponce Enrile, nagbitiw bilang Pangulo ng Senado

NAGBITIW bilang Pangulo ng Senado ng Pilipinas si Senador Juan Ponce Enrile sa pagsasabing tumatanggi siya na ipahiram ang kanyang pinaghirapang pangalan sa mga taong hindi maipagtanggol ang kanilang sarili sa harap ng madla. Hindi umano niya mapapayagan ng dungisan ng sinuman, sa loob at labas ng Senado, na yurakan ang pangalan ng kanyang yumaong amang si Alfonso Ponce Enrile.

Sa kanyang talumpati sa huling araw ng ika-15 Congreso, sinabi ni G. Enrile na hindi niya mapapayagan, lalo na ang isang "self-confessed psychological case" at anak ng kanyang dating kasama sa bupete, ang yumaong Senador Renato L. Cayetano, na yurakan ang ala-ala ng kanyang ama.

Hindi na raw niya kailangan na gumamit pa ng poder ng pagiging pangulo ng Senado manatili lamang sa posisyon o magkaroon ng poder sa pagbubukas ng ika-16 na sesyon ng Senado.

Nanawagan siya sa kanyang mga kasamahang ibigay ang accounting kung paano nila ginastos ang kani-kanilang mga salapi. Handa umano siyang magbigay ng kwenta kung paano nagastos ang kanyang nakalaang budget.

Idinagdag pa niya na si Senador Drilon, chairman ng Finance Committee ang nakababatid kung paano isinaayos ang chairmanship sa mga oversight committees at magiging sakit ng ulo para sa sinumang mamumuno sa Senado. Si Senador Drilon mismo ang bumanggit ng bagay na ito sa kanya, dagdag pa ni G. Enrile.

Siya umano ang nagtamo ng galit ng mga mamamayan tungkol sa Cash Gifts kahit pa anong paliwanag ang kanyang ginawa. Ang galit na ito ang dahilan ng pagkatalo ng kanyang anak sa kandidatura noong Mayo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>