|
||||||||
|
||
meloblog
|
HINILING ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na magkaroon ng mas maayos na kalagayan at maasahang palatuntunan para sa mga Pilipinong kawal na nakatagala sa Golan Heights kung sakaling magdesisyon siyang panatiliin sila sa pook kahit pa namimiligro sa kaguluhan sa Syria.
Ayon sa balita, pinag-aaralan niya ang panukalang mula kay Kalihim Albert F. del Rosario na alisin na ang lahat ng 342 kataong peacekeepers na pag-uusapan sa isang security meeting.
Ang rekomendasyon ay kasunod na dalawang hiwalay na pagdukot at panganganyon ng mga rebeldeng mula sa Syria sa loob ng pinagpapatrolyahang lupain ng mga mula sa United Nations sa pagitan ng Syria sa sakop ng Israel na lupain.
Dalawang peacekeepers na mula sa Pilipinas at India ang nasugatan noong isang linggo sa sagupaan ng mga kawal ng Syria at mga rebelde.
Aalisin na rin ng Austria ang kanilang 377 peacekeepers mula sa 911-kataong UN force na kinabibilangan din ng mga kawal mula sa India. Sa pag-alis ng Austria, Pilipinas na ang may pinakamaraming peacekeepers.
Inalis na rin ng Croatia ang kanilang mga tauhan kamakailan. Kung hindi magkakaroon ng karagdagang kagamitan at mas mahigpit na resguridad para sa peacekeepers, maaaring wala nang magawa ang kasalukuyang mga nakatalagang kawal sa pagitan ng dalawang bansa.
Nag-alok si Russian President Vladimir Putin na magpapadala ng mga kawal sa Golan Heights upang palitan ang mga Austrian subalit tinanggihan ito ng UN peacekeeping department sapagkat ipinagbabawal ang paglahok ng mga kawal mula sa permanent member ng UN Security Council.
American Secretary of State John Kerry, bumati na sa Pilipinas
BUMATI na si US Secretary of State John Kerry sa Pamahalaan ng Pilipinas at mga Pilipino sa ngalan ni American President Barack Obama sa pagdiriwang ng ika-115 taon ng kalayaan.
Ikinagagalak ng America ang kanilang kasaysayan at pakikipagkaibigan sa Pilipinas na isang mahalagang kabalikat sa maunlan na Asia-Pacific region.
Ikinagagalak din ni Secretary Kerry ang matagal na niyang pakikipagkaibigan sa Pilipinas sa kanyang amendment na naipasa bilang Senador ng America na nananawagan para sa isang malaya at patas na halalan. Hindi nagtagal ay nakarating siya sa Maynila bilang isang election observer sa halalang naganap noong 1986. Sa halalang ito, lumaya ang mga mamamayan sa diktadura ng dating Pangulong Marcos.
Isa sa mga pinahahalagahan ni Secretary of State Kerry ay ang Order of Sikatuna na kanyang tinanggap mula sa Pilipinas ilang taon na ang nakalilipas.
Sa pagtutulungan ng Pilipinas at Estados Unidos mula sa paglaban sa extremism hanggang sa pagpapasigla ng economic ties, nakikita ang tinaguriang "Partnership of Growth" na makatutulong sa pagpapatatag ng economic growth.
Sa pagtutulungan, makikita ang higit na magandang pagpapatakbo ng pamahalaan, accountability at masiglang civil societies, dagdag pa ni Secretary of State Kerry.
Exports ng Pilipinas, bumagsak ng halos 13% noong Abril
ANG merchandise exports ng PIlipinas ay bumagsak ng 12.8% noong Abril at umabot na lamang sa $ 4 bilyon mula sa $ 4.6 bilyon noong 2012. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority.
Lumakas naman ang lekado ng semi-conductors at automative electronics. Tumaas din ang halaga ng mineral at forest products na siyang nagpagaan sa pagbaba noong Abril 2013.
Ayon kay Deputy Director General Emmanuel F. Esguerra, ng recovery ng semiconductors na umabot sa 10.6% at automotive electronics na 2,323.1% kasunod ng tatlong buwang pagbulusok mula noong Enero ang nagpabago overall picture.
Tumaas ang mineral ay nakarating sa 33.9% at forest products na nagkaroon ng 61.4%. Ang coutward shipment ng wood naturacturer ay (107.2%, processed food at inumin at 48.0%, saging ay 36.1%, iron and steel 76% at copra meal/cake na umabot sa 14%. na pawang nagpagaan sa pagbagsak.
Arkediyosesis ng Cotabato, nagsagawa ng kanilang consecration
PINAMUNUAN ni Arsobispo Orlando B. Quevedo, OMI ang pagsasagawa ng consecration to the Immaculate Heart of Mary noong Sabado sa Lungsod ng Cotabato sa Maguindanao.
CONSECRATION TO THE IMMACULATE HEART OF MARY ISINAGAWA SA COTABATO. Makikita sa larawan si Arsobispo Orlando B. Quevedo, OMI (kanan) sa kanyang paghahanda sa pagdiriwang ng Misa sa Katedral ng Immaculada Concepcion sa Cotabato City.
Sinimulan nila ang pagdiriwang sa pamamagitan ng prusisyon sa lungsod na sinabayan ng pagdarasal ng rosary sa ganap na ika-anim ng umaga.
Nagmula ang prusisyon sa Katedral ng Immaculada Concepcion at dumaan sa iba't ibang lansangan bago bumalik sa simbahan.
MAHALAGA ANG PANANAMPALATAYA. Binigyang-diin ni Arsobispo Quevedo ang kahalagahan ng pananalangin at pagsasabuhay ng itinuturo ng Simbahan. Ito ang kanyang panawagan sa mga mananampalataya mula sa ibait ibang parokya noong Sabado.
Nagsagawa ng katesismo si Arsobispo Quevedo pagdating sa katedral at pagsapit ng mag-iikasampu ng umaga, pinadupikal na ang mga kampana.
Pinamunuan niya ang Misa sa ganap na ika-sampu ng umaga kasabay ng Prayer on the Act of Consecretation to the Immaculate Heart of Mary. Lumahok sa pagdiriwang ang mga kinatawan ng mga parokya sa Vicariato ng Cotabato.
Nagkaroon din ng sabay na pagdiriwang sa Vicariato ng Tacurong at Midsayap. Pinamunuan ni Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagdiriwang sa Tacurong.
Nagkaroon ng radio at television coverage ang pagdiriwang.
MGA BATANG NAGLALARO. Larawang kuha ni Jhun Dantes sa isang batang nanghuhuli ng isda sa isang maruming ilog sa Navotas City samantalang nanonood ang kanyang mga kalaro. Karaniwang nakikita ang mga kabataang ito kung walang klase.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |