Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-115 Araw ng Kalayaan, ipinagdiwang

(GMT+08:00) 2013-06-12 16:58:02       CRI

OBLIGASYON ng mga Pilipino na tutukan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan matapos magwagi laban sa mga mananakop higit sa isang-daang taon na ang nakalilipas.

Ito ang buod ng mensahe ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagdiriwang kaninang umaga sa Liwasang Bonifacio na sinaksihan ng mga opisyal ng pamahalaang pambansa at lokal, mga kasapi ng Diplomatic Corps at mga panauhin.

MGA BANDILA SA ARAW NG KALAYAAN.  Hindi lamang sa mga liwasan inilalagay ang mga bandila ng Pilipinas kungdi sa mga tanyag na shopping malls ngayong Ika-115 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.  Kuha ito sa Araneta Center sa Lungsod ng Quezon, kinalalagyan ng tanyag na Araneta Coliseum.  (Kuha ni Jhun Dantes)

Mensahe ng bayaning si Gat Andres Bonifacio na karangalang magtaya ng buhay para sa bayan, taas-noong naipagmamalaki ang mga naiambag nila sa kalayaan. Nagbuwis na ng buhay sina Gat Jose Rizal, Bonifacio at mga Katipunero sapagkat mulat sila sa pagtatanggol ng mga karapatan ng mga mamamayan.

Ayon kay Pangulong Aquino, kailangan ang masusing pagpaplano sa halip na padalus-dalos na desisyon. Naitayo na ang may 21,800 tahanan para sa mga kawal at pulis, may P 75 bilyong nailaan sa sa Tanggulang Pambansa sa susunod na limang taon sa AFP Modernization Act.

Nagkaroon din ng mga pagdiriwang sa iba't ibang bahagi ng bansa.

ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG SA IBA'T IBANG BAYAN AT LALAWIGAN.  Kuha ang larawang ito sa Lungsod ng Legazpi sa Lalawigan ng Albay.  Ipinararating ni Gobernador Jose Sarte Salceda ang kanyang mensahe sa araw na ito.  Unang ibinalita ni G. Salceda na may sampung ministerial meetings na nakatakdang gawin sa Albay sa 2015 APEC Summit.

Mga kasapi ng Diplomatic Corps, bumati kay Pangulong Aquino

IPINAGPASALAMAT ng Diplomatic Corps ang paanyaya ni Pangulong Aquino sa pagdiriwang ng ika-115 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas (sa idinaos na Vin d' Honneur sa Malacanang.

Ayon kay Archbishop Giuseppe Pinto, ang Dean of the Diplomatic Corps, bumabati ang mga pinuno ng iba't ibang diplomatic missions kay Pangulong Aquino at sa mga mamamayan sa ngalan na rin ng iba't ibang pamahalaan at pandaigdigang mga samahan.

Ang bawat araw ay pagkakataong magkaroon ng bagong katayuan ang buhay. Kakaiba ang araw na ito, ani Arsobispo Pinto sapagkat ang araw na ito ay ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Hindi umano matatawaran ang nagawa ng pamahalaan sa pagsusulong ng kaunlarang pangkalahatan sa pagkakaroon ng dagdag na hanapbuhay at mabawasan ang kahirapan. Nakita na rin ang magandang pamamalakad sa pamahalaan, kaunlaran sa health care at maging sa edukasyon at napapanahong pagbabahagi ng salapi ng bayan.

Pinuri din niya ang Pamahalaan ng Pilipinas sa paglagda sa Framework Agreement on the Bangsamoro na nilagdaan ng magkabilang-panig noong ika-15 ng Oktubre 2012.

Umaasa umano ang mga diplomata sa Pilipinas na magtatapos sa maayos ang kasunduan.

Sa panig ni British Ambassador Stephen Lillie, ipinarating niya ang pagbati sa lahat ng Pilipino sa pagdiriwang ng ika-115 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas. Nagtatamasa ang bansa ng napakagandang pa-unlad ngayon. Umaasa umano siya na magpapatuloy ang kaunlarang ito at higit na susulong tungo sa kaunlaran at pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan.

Coast Guard, naghihintay ng official report mula sa Kagawaran ng Katarungan

NAGHIHINTAY ang Philippine Coast Guard ng official report ng National Bureau of Investigation, isang ahensyang nasa ilalim ng Kagawaran ng Katarungan, na nagsasabing mayroon silang pananagutan sa pagkasawi ng isang mangingisdang Taiwanes.

WALA PANG OFFICIAL REPORT MULA SA NBI.  Sinabi ni Commander Armand Balilo na wala pa silang natatanggap na official report mula sa National Bureau of Investigation tungkol sa diumano'y pananagutan ng mga magdaragat ng Philippine Coast Guard sa pagkasawi ng isang mangingisdang Taiwanes kamakailan.  (File photo ni Melo Acuna)

Sinabi ni Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na hihintayin nila ang official communication sa bagay na ito mula sa NBI at hindi gagawa ng anumang pahayag.

Hindi pa umano opisyal ang nilalaman ng balitang lumabas sa pahayagan sapagkat wala pa silang kopyang natatanggap ng official report.

Unang binanggit ni Vice Admiral Rodolfo Isorena, (Coast Guard commandant) na sa oras na lumabas na may pananagutan ang kanilang mga tauhan, haharap sila sa paglilitis.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>