|
||||||||
|
||
20130613ditorhio
|
Ayon sa Ministri ng Edukasyon ng Tsina, mayroong halos 7 milyong magtatapos sa kolehiyo at unibersidad sa taong 2013: ito ay mas mataas ng 190,000 kaysa noong 2012.
Bukod pa riyan ang bilang ng mga bakanteng trabaho para sa taong ito ay mas mababa ng 15% kumpara noong nakaraang taon, dahil na rin sa patuloy na pagsalimuot ng kabuhayang pandaigdig.
Sa kabila nito, karamihan sa mga magtatapos at bagong nagtapos ay gustong magtrabaho sa mga State-owned Enterprises o SOE, na may mas mababang pasahod kumpara sa mga pribadong kompanya.
Anila, mas stable umano at hindi tensyonado ang pagtatrabaho sa mga SOE, kaya mas gusto nilang magtrabaho sa mga ito.
Ang problema, napakalimitado ang mga employment slots sa mga kompanyang ito. At kung makapasok man ang iilan, pasasaanman ay mabibilang din sila sa hanay ng mga underemployed dahil sa kakulangan sa pasahod.
Dahil sa penomenong ito, nagkakaroon ng kakulangan ng talento sa pribadong sektor.
Nariyan din ang isyu ng job mismatch, kung saan ang teoretikal na edukasyong itinuturo sa mga paaralan ay hindi nakaakma sa mga dinamikong pangangailangan ng mga industriya.
At dahil sa lahat ng iyan, tumataas ang bilang ng mga underemployed at unemployed.
Narito po ang audio program hinggil sa paksang ito:
Job Fair para sa mga graduates, sa Beijing ng Tsina
isang batang lalaki sa Job Fair for gradutes
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |