Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-23 2013

(GMT+08:00) 2013-06-17 16:25:22       CRI

June 9, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.

China-South East Asia High Level People-to-People Dialogue

Nawala ako nang ilang araw dahil nagpunta kami ng Nanning para sa coverage ng China-South East Asia High Level People-to-People Dialogue at para makapanayam din si Senator Ferdinand Marcos Jr., na dumalo sa nabanggit na dialogue.

Nanning ng Guangxi, Tsina

Ang Nanning ay isang lunsod sa Lalawigan ng Guangxi at ang lalawigang ito ay matatagpuan sa katimugan ng Tsina, malapit sa Vietnam, kaya ang klima rito ay katulad na katulad ng sa atin, medyo mainit at umido.

Bukod sa masasarap na pagkain, na-impress din ako sa kalinisan at kagandahan ng lugar. Marami rin silang high-rise buildings pero ang mga ito ay may sariling katangian--hindi mo masasabing American at hindi mo rin masasabing European ang styles. Mayroon din silang espesyal na daan para sa pedestrians at hindi maaaring pumasok sa daanang ito ang mga motorsiklo, bisikleta at kotse, kaya safe ang pakiramdam mo pag naglalakad ka rito.

Siguro ito na ang isa sa kaibig-ibig na biyahe ko dito sa Tsina. Sana makabalik pa ako rito sa ibang pagkakataon para makita ko iyong mga lugar na gusto kong makita pero hindi namin napuntahan.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ni Dr. George ng george_medina56@yahoo.com: "Magandang simula iyang people-to-people dialogue sa Guangxi, China. Sana masundan pa iyan ng mga katulad na forum. May mga bagay kasi na mas madaling pag-usapan at maresolbahan kung ang mag-uusap ay mga personaheng wala sa pamahalaan."

Sabi naman ni Roque ng Machang Road, Tianjin, China: "Bagay na bagay ang Nanning para sa mga komperensiya na tulad ng China-South East Asia People-to-People Dialogue. Marami silang pasilidad para sa high level talks at matutuluyan ng mga dignitaries o business people mula sa South East Asia at ang klima pati parang sa South East Asian countries"

Sabi naman ni Evelyn ng Shunyi, Beijing, China: "Huwag nating ismolin ang people-to people dialogue. Higit na maganda ito kaysa sa pagpapalitan ng maaanghang na salita. Kung baga, kung makukuha natin nang paupo, huwag na tayong tumayo."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

REFLECTION
(CHRISTINA AGUILERA)

Narining ninyo ang magandang tinig ni Christina Aguilera sa awiting "Reflection," na lifted sa album na pinamagatang "Nobody Wants To Be Lonely."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TAWA NA

Bigyang-daan naman natin ang snail mail ni Jonald Flores ng Aklan. Sabi ng sulat:

Mahal Kong Kuya Ramon,

Gusto kong ipaalam sa iyo na isa ako sa napakaraming tagapakinig mo sa nakakawili mong programa sa Serbisyo Filipino ng China Radio International, ang Gabi ng Musika. Alam mo, matagal na akong nakikinig sa napakaganda mong radio program. Ipagpapatuloy ko pa rin ang pakikinig ko sa Gabi ng Musika para palagi akong masaya.

Sana naman makatanggap din ako ng mga libreng souvenir from you gaya ng CRI t-shirts, stickers at Chinese traditional music CD.

Until here only. God bless.

Jonald M. Flores
Ocean Club Beach Resort
Station No. 3, Manok-Manok
Boracay, Malay, Aklan
Philippines

Maraming-maraming salamat, Jonald, sa sulat mo at sa pagtangkilik mo sa aming mga programa. Sana nga maipagpatuloy mo pa ang pakikinig mo sa Serbisyo Filipino. Huwag kang mag-alala, makakatanggap ka ng souvenir items mula sa aming serbisyo. Maraming salamat uli at God bless din sa iyo, Jonald.

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

NIGHT TIME ROSE
(PANG LONG)

Iyan ang awiting "Night Time Rose," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Pang Long. Ang track na iyan ay buhat sa album na pinamagatang "Two Butterflies."

Bigyang-daan naman natin ang ilang SMS.

Bongbong Marcos

Sabi ng 928 442 0119: "Narinig ko ang interview mo kay Bongbong. I was delighted. Imagine, my favorite announcer interviewing my favorite political figure."

Sabi naman ng 919 564 9010: "Iba na talaga ang takbo at lagay ng panahon. Pagkaraan ng maraming taon, sinalanta ng baha ang central Europe at ang Germany, Austria, Poland at Czech Republic ay ilan lamang sa mga bansang binaha."

Sabi naman ng 921 577 9195: "Sana makatulong ang people-to-people dialogue ng China at South East Asia para sa pagpapahupa ng tension sa South China Sea. Kailangan natin ang regional stability sa lugar na ito."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section @yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang- sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>