|
||||||||
|
||
20130617melo
|
Panauhing Thai, dadalaw sa Pilipinas
DARATING bukas si Thai Deputy Prime Minister and Minister of Foreign Affairs Surapong Tovichakchraikul ng Kaharian ng Thanland ditto sa Maynila para sa official visit at dumano sa 5th Meeting of the Joint Commission for Bilateral Cooperation mula sa Huwebes hanggang Biyernes.
Si Foreign Minister Surapong ay makakausap ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario na dumalaw na rin sa Thailand noong Abril 2011. Dadalaw din siya kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Sina G. Surapong at Del Rosario ang magiging co-chair ng JCBC Ministerial Meeting sa ika-21 ng Hunyo. Na mauuna sa Senior Officials' Meeting sa pangunguna ni Foreign Affairs Undersecretary for Policy Evan P. Garcia at Thai Foreign Affairs Permanent Secretary Sihasak Puangketkeow sa ika-20 ng Hunyo.
Pag-uusapan ang technical cooperation para sa edukasyon, law enforcement at defense. Ang JCBC ay sasaksi sa paglagda sa dalawang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Thailand sa taxation at pagkakaroon ng energy forum. Nagismula ang JCBC sa pagitan ng dalawang bansa noong ika-24 ng Marso, 1992 upang madali ang konsultasyon at pagtutulungan.
Pito pa rin ang nawawala sa paglubog ng ferry boat sa Masbate
HANGGANG kaninang ika-12 ng tanghali, pito pa rin ang nabalitang nawawala sa paglubog ng MV Our Lady of Mt. Carmel sa pag-itan ng Albay at Masbate noong Biyernes. Magugunitang ika-5:30 ng umaga noong Biyernes ng lumubog na lamang ang roll on-roll off ferry samantalang kalmado ang karagatan.
Ayon kay Director Bernardo Rafaelito R. Alejandro ng Office of Civil Defense, hindi pa natatagpuan ang mga pasaherong sina Leticia Andaya, 78 years old, Abegail Barredo, 19, at Noan Manocan, 25, pawang taga Mandaon, Masbate, Fe Rapsing, Jonas Comidor, 7 taong gulang at isang Arianne Comidor, 27 taong gulang at isang Jocelyn Danao. Sa pitong nawawala, tatlo lamang ang nakatala sa passengers' manifest.
Pinakamalaking electric consumption naitala noong Mayo
SINABI ni Kalihim Jericho Petilla ng Kagawaran ng Enerhiya na sa init ng panahon, naitala ang pinakamalaking konsumo ng kuryente sa Luzon noong nakalipas na buwan ng Mayo.
Sa panayam ng isang himpilan ng telebisyon, sinabi ni Kalihim Petilla na nakarating sa 8,300 megawatts ang pinakamalaking konsumo ng kuryente sa kasaysayan ng bansa. Naganap ito dahilan sa napakainit na panahon, mas maraming mga mamamayan at mas maraming mga mamamayan at tahanang mayroong air conditioning units.
Sa kagipitang ito, bumili ang Manila Electric Company o MERALCO ng kuryente sa mas mahal na halaga sa spot market upang matugnan lamang ang pangangailangan.
Naniniwala ang kalihim na bumili ang Meralco sa WESM, mula sa spot market na mas mahal nagkataon lamang na hindi magiging mahal kung titingnan ang sinasabing blended price. Sa kanyang pagtataya, umabot sa 8,100 megawatts ang nagmula sa Meralco samantalang ang aabot sa 200 MW at binili nila sa spot market.
Ipinagtanggol din niya ang pagtataas ng Meralco ng power rates nito na 22 sentimos sa bawat kilowatt hour ngayon Hunyo. Nagbaba na umano ang Meralco ng presyo nito sa pagsisimula ng taong 2013.
Ayon sa kalihim, mula Enero hanggang ngayon, kahit pa isama ang 22 sentimos na dagdag-singil, bumaba ang presyo ng kuryente ng 10 sentimos noong Enero. Nagkaroon din ng 60 sentimos na pagbaba noong Pebrero. Nagkaroon ng ilang pagtaas at ang neto sa negative 10 sentimos pa rin, dagdag pa ni Kalihim Petilla.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |