Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang pagbabalik ng bisikleta, hari ng kalsada ng Tsina

(GMT+08:00) 2013-06-27 18:48:24       CRI

 

 

Mga kaibigan, noong dekada nobenta, kilala ang Tsina bilang bike capital of the world. Halos sa lahat ng sulok ng Beijing at bansa ay makakakita ka ng bisikleta na ginagamit bilang pangunahing uri ng transportasyon.

Ginagamit ito na pampasok sa eskuwelahan at trabaho, pampasyal, pangkarga ng mga pinamili sa palengke, at marami pang iba. Halos sa lahat ng aspeto ng buhay-Tsino ay naroon ang bisikleta noong mga panahong iyon.

Makakakita ka pa nga ng mga ikinasal na nakasakay sa bisikleta.

Ngunit, dahil sa napakabilis na modernisasyon at pagsunod sa makakanluraning kultura, ang bisikleta, na minsan ay naging hari ng kalsada ng Tsina ay unti-unting napalitan ng mga magagarang kotse at iba pang sasakyang de-motor. Sa ngayon, ang bisikleta ay anino na lamang ng dati nitong katanyagan.

Pero, magkagayunman, kamakailan ay inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Beijing ang isang proyekto ng public bike rental upang maibalik ang mga bisikleta sa kalsada at mabawasan ang polusyon sa hangin, na talaga namang perhuwisyo sa lahat ng mga mamamayan ng Beijing.

Bukod sa pagpapahupa ng polusyon sa hangin, layunin din ng naturang proyekto na palakasin ang sistema ng transportasyon, bawasan ang trapiko, at pagandahin ang katawan at kalusugan ng mga taga-Beijing. Bawas polusyon at trapiko na, ang katawan ay malusog pa, dahil sa bisikleta.

Ang unang batch ng mga bisikletang inilaan ng lokal na pamahalaan ng Beijing para sa nasabing proyekto ay kinagiliwan ng mga residente ng Beijing at inaasahan itong magpapalakas ng public transport system ng lunsod.

May kabuuang bilang na dalawang libong (2,000) bisikleta ang nakahimpil na sa animnaput tatlong (63) lugar sa distrito ng Dongcheng at Chaoyang at patuloy pa itong darami. Ang mga residente ng Beijing ay maaring magrenta ng bisikleta mula sa isang lugar, at maari itong isauli sa alinman sa animnaput tatlong (63) designated na himpilan.

Ang public bike service ay nakatakdang ipalaganap sa lahat ng distrito ng Beijing, at inaasahang aabot sa limampung libong (50,000) bisikleta ang maaring gamitin sa isanlibong (1,000) designated service places sa taong 2015.

Narito po ang audio program hinggil dito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>