|
||||||||
|
||
20130628melo
|
Mambabatas, nagtangkang magpatiwakal
NAGTANGKANG magpatiwakal si outgoing Cagayan de Oro Congressman Jose Benjamin Benaldo kagabi samantalang nasa kanyang tanggapan sa House of Representatives.
Ayon kay Speaker Feliciano Belmonte, Jr. may tama ng bala ang mambabatas sa kanyang dibdib. Isinugod sa New Era Hospital ang mambabatas ni Speaker Belmonte at ilang mga kasama at inalam ang kanyang kalagayan. Maayos na umano ang kalagayan ni Congressman Benaldo at inilipat na sa St. Luke's Medical Center.
Ani Speaker Belmonte, sinisiyasat nila ang naganap kasabay ng panawagang igalang ang privacy ng pamilya. Wala umanong sinabi ang mambabatas na dahilan kung bakit siya nagtangkang magpatiwakal.
Ang mahalaga, ani Speaker Belmonte, ay buhay at nagpapagaling na ang mambabatas at nag-utos na rin siya sa Sgt. At Arms ng Kongreso na magsagawa ng ibayong imbestigasyon kasama ang mga pulis ng Quezon City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |