Delegasyong Pilipino, dumalaw sa Embahada ng Pilipinas sa Czech Republic
ISANG lupon ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Pananalapi ang dumalaw kay Ambassador Evelyn D. Austria-Garcia sa kanyang tanggapan sa Prague kamakailan.
Binubuo ang delegasyon nina Director Ma. Nanette Diaz, Atty. William Beluso, Jr. at Robert Dominick Mariano mula sa Bureau of Treasury at apat na iba pa mula sa punong tanggapan ng Kagawaran ng Pananalapi.
Pinag-aralan nila ang mga detalyes ng pagkakautang at financial assets management ng Czech Republic. Bahagi ito ng Technical Cooperation Program na nabuo sa kasunduang nilagdaan ng dalawang tanggapan sa pananalapi kamakailan.
1 2 3