|
||||||||
|
||
20130704ditorhio
|
Ang Muay Thai ay isang uri ng martial art na mula sa Thailand. Ito ay tinatawag ding "Science of the Eight Limbs," dahil ginagamit nito ang mga kamay, paa, tuhod, at siko. Ang Muay Thai ay kilalang-kilala ngayon sa mundo dahil na rin sa mga atletang gumagamit nito, na tulad nina Anderson Silva, Vanderlei Silva, Jon Jones, at marami pang iba. Nakatulong din sa pagsikat ng Muay Thai ang mga internasyonal na organisasyon sa palakasan na tulad Universal Fighting Championship (UFC), Bellator, Invicta, at marami pang iba.
Dito sa Tsina, kasunod ng paglaganap ng Mixed Martial Arts (MMA), nagsisimula na ring makilala ang Muay Thai. Parami nang parami ang mga Tsino ang gustong mag-aral nito, lalo na iyong mga propesyunal na atletang sumasali sa MMA.
Pero, bukod pa sa mga propesyunal na atleta, marami na ring mga ordinaryong mamamayan ang nag-aaral nito. Hindi lang kasi maaring gamitin sa propesyunal na laban, maganda rin itong ehersisyo, pampaganda ng katawan, at mabisang uri ng self-defense. Para sa gabing ito, ang larong Muay Thai o ang tinatawag na "Science of the Eight Limbs" ang ating pag-uusapan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |