Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong Vice President for East Asia ng World Bank, dadalaw sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-07-08 18:35:16       CRI

Posisyon ng Simbahan, niliwanag

CRITICAL COLLABORATION.  Ito ang uri ng relasyon ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa relasyon nito sa pamahalaan ng bansa.  Niliwanag ni Arsobispo Socrates B. Villegas na hindi partido politikal o non-government organization ang Simabahan sa Pilipinas kaya't maninindigan ito sa oras na masapeligro ang katayuan ng buhay at pamilya.

HINDI partido politikal o non-government organization ang Simbahang Katolika sa Pilipinas. Sa isang press briefing, niliwanag ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangalawang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at magiging kahalili ni Cebu Archbishop Jose S. Palma sa darating na unang araw ng Disyembre bilang pangulo ng kalipunan ng mga obispo sa bansa, na obligasyon ng Simbahan na maningidan sa oras na apektado na ang katayuan ng buhay, pamilya at lipunan.

Inihalimbawa niya ang pagpapahalaga sa buhay ng Simbahan kaya't tuloy ang Simbahan sa pagbabantay sa magaganap bukas sa Korte Suprema na katatampukan ng oral arguments ng mga nagpetisyong ideklarang taliwas sa nilalaman ng Saligang Batas ang saloobin ng Reproductive Health Law.

Samantala, sinabi naman ni Bishop Gabriel V. Reyes ng Antipolo na bukas ay mag-aalay ng Misa at mga panalangin ang mga kinatawan ng iba't ibang grupo sa ganap na ika-siyam ng umaga sa Our Lady of Nuestra Señora de Guia. Pagkatapos ng Misa ay idaraos ang isang prayer vigil.

Sa panig ni Arsobispo Jose S. Palma, sinabi niya na nananatili ang magandang relasyon sa pagitan ng pamahalaan at Simbahan. Bagaman, nagpaliwanag din si Arsobispo Villegas na "critical collaboration" ang nananatili sa ngayon. Nakikipagtulungan ang Simbahan sa pamahalaan kung kinakailangan at magpapagunita kung mapapasapeligro ang buhay at pamilya.


1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>