|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Obispo: May pamalit tayo sa pagmimina
ECO-TOURISM NA LANG SA HALIP NA PAGMIMINA. Ito ang mensahe ni Bishop Antonieto Cabajog ng Surigao. Maraming kumpanya ng mina sa kanyang nasasakupan. Bagaman, rekomendasyon ng obispo na pagtuunan ng pansin ang eco-tourism sapagkat malaki na ang kita, ligtas pa ang kapaligiran sa paglapastangan.
NANINIWALA si Surigao Bishop Antonietto Cabajog na mas malaki ang pakinabang sa eco-tourism kaysa sa pagmimina.
Sa panayam ng CBCP Online Radio, sinabi ni Bishop Cabajog na malaki ang pinsalang idinudulot ng pagmimina sa kalikasan at mga kalapit pook. Ipinaliwanag niyang maraming magagandang pook sa kanyang nasasakupan at sa mga pulong halos walang naninirahan ay makatatawag pansin sa mga manlalakbay.
Sa pamamagitan ng pagsusulong ng eco-tourism, magkakaroon ng iba't ibang industriya na makakatulong sa madla tulad ng mga tour-guide, mga matitirhan at mga pasilidad na kailangan ng manlalakbay.
Inihalimbawa niya ang isang pook sa Surigao na dating kinatatagpuan ng mga gumagamit ng dinamita. Nagkasundo ang mga naninirahan na gawing fish sanctuary ang pook at ngayo'y dinadalaw na ng mga turistang Pilipino at mga banyaga. Wala na umanong dinamita, may kumikita sa pagpapa-arkila ng googles at mga bangka. Kahit umano ang mga mangingisda ay nakikinabang na rin sa pangangalaga ng kapaligiran.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |