|
||||||||
|
||
20130711ditorhio
|
Sa pagtataguyod ng Beijing People's Association for Friendship with Foreign Countries (BPAFFC), idinaos kamakailan sa Distrito ng Dongcheng, Beijing ang isang lecture hinggil sa mga kagawian ng mga mamamayan ng lunsod tuwing ipinagdiriwang ang "Duanwu Festival" o mas kilala sa tawag na "Dragon Boat Festival."
Sa kanyang lecture na pinamagatang "Beijing Festival Customs," ipinaliwanag ni Ginoong Gao Wei, Secretary General ng Beijing Folklore Society ang hinggil sa mga kagawiang kinabibilangan ng karera ng dragon boat; pagkain ng rice dumpling o "zongzi" (isang espesyal at hugis trianggulong kakanin); paggawa ng ibat-ibang palamuti para sa mga bata; paggawa ng "zengzi" (isang tradisyonal na palamuting gawa sa karton at makukulay na tela), at marami pang iba.
Mga kababayan, ngayong gabi, ang mga kagawiang Tsino tuwing idinaraos ang Dragon Boat Festival ang ating pag-uusapan。
Narito't pakinggan ninyo ang inihanda naming audio program.
Mga dayuhang kaibigan na abala sa paggawa ng zengzi
Si Binibining Gu Xiao Ling, habang itinuturo sa mga dumalo ang paggawa ng zengzi
Si Ginoong Gao Wei, habang ipinapaliwanang ang pagkakaiba ng zongzi at zengzi
Sina Liu Mei at Farah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |