|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pilipinas, maglalabas ng 45MT ng premium rice patungong Singapore
SA ikalawang pagkakataon, maglalabas ang Pilipinas ng 45 metriko tonelada ng premium o aromatic rice patungong Singapore.
Sinabi ni Kalihim Proceso J. Alcala ng Kagawaran ng Pagsasaka, na ang mabago at mahahabang butil na puting bigas ay mula sa mga magsasakang kasapi ng Fitmus Cooperative sa Koronadal City, South Cotabato at Magtutumana ng Sta. Rosa Multi-Purpose Cooperative sa Nueva Ecija.
Ipadadala ito sa Singapore na kinaroroonan ng may 146,000 mga Plipinong manggagawa.
Nagpasalamat si G. Alcala sa mga taga-South Cotabato at Nueva Ecija sa kanilang patitityaga at pagsisikap., Sinabayan sila ng mga kasapi ng VIEVA o Vegetable Improters, Exporters and Vendors Association of the Philippines, Inc. na siyang nagproseso at nagpakete ng bigas na pinangalanang "Golden VIEVA". Sila rin ang nagsama-sama ng export shipment.
Mayroon ding 20 metriko toneladang heirloom rice mula sa Cordillera ang ipadadala sa Estados Unidos sa mga susunod na buwan. Sa nalalabing mga buwan ng 2013, target ng pamahalaang makapaglabas man lamang ng 100 Metriko Tonelada ng premium at organic rice.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |