|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Status quo ante order laban sa RH Law, inilabas ng Korte Suprema
NAGING mahigpit ang botohan ng mga mahistrado ng Korte Suprema na nag-uutos ng pagkakaroon ng extension ng kanilang status quo ante order laban sa pagpapatupad ng Republic Act 10354 na kilala sa pangalang RH Law.
Ayon kay Atty. Theodore Te, ang tagapagsalita ng Korte Suprema, magpapatuloy ang kautusan hanggang hindi nagkakaroon ng panibagong kautusan sa susunod na panahon. Nakatakdang mawalang-bisa ang kautusan ngayong araw na ito.
Na sa kalagitnaan ng pagdinig ng mga arumento ang Korte Suprema mula sa mga pabor at kontra sa RH Law matapos tanggapin ang 14 na petisyon na humihiling na ideklarang taliwas ito sa Saligang Batas.
Nagparamdam umano ang mga mahistrado sa mga kontra sa Reproductive Health law na nagkamali sila ng dinulugan sapagkat nararapat umanong nagtungo sila sa Kongreso.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |