|
||||||||
|
||
20130718ditorhio
|
Iba't ibang disenyo ng pambansang watawat bago itatag ang PRC
Iba't ibang disenyo ng pambansang sagisag bago itatag ang PRC
Mga original document ng mga batas ng CPPCC
Orihinal na kopya ng burador ng kauna-unahang Konstitusyon ng Tsina
Sina Zhang Jing'an,Puno ng Kawanihan ng Impormasyon ng Tanggapan ng CPPCC, at Machelle Ramos, reporter ng Serbisyo Filipino
Estatuwa ni Deng Xiaoping nang siya ay nakipagpulong sa 5 Tsinong tycoon na nagtakda sa patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas
Mga kababayan, ang Tsina ay may sibilisasyong nananatiling buhay sa loob ng mahigit 3,000 taon. Sa haba ng panahong ito, maraming kaganapang pangkasaysayan ang nangyari sa bansa.
Hene-henerasyong mga Tsino ang gumawa ng mga importanteng kontribusyon sa sibilisasyon ng daigdig.
Sa arena naman ng demokrasya, marami-rami na ring nakamit ang Tsina mula nang maitatag ang People's Republic of China noong 1949, at makikita ang ilan sa museo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Ang CPPCC ay isang konsultatibong kapulungan na kumakatawan sa bawat sektor ng lipunang Tsino. Sila ang nagbibigay ng payo sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa paggawa ng mga batas na nakakaapekto sa buhay ng bawat mamamayang Tsino.
Kaya sa kasaysayan ng bagong Tsina, ito ay gumanap at patuloy na gumaganap ng mahalagang papel sa pamamahala ng bansa.
Kamakailan nagkaroon ng pagkakataon sina Ernest at Mac na mapasyalan ang museo ng CPPCC, at ang kanilang mga nakita at nalaman ang ating pag-uusapan ngayong gabi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |