Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Higit na pagtutulungan ng Pilipinas at Nigeria, tiyak

(GMT+08:00) 2013-07-29 18:23:55       CRI

Kapayapaan at kaunlaran ng Asia, layunin ni Prime Minister Abe

TANGING mga pagkilos na maghahatid ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon ang layunin ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanyang pagdalaw sa Pilipinas noong Biyernes at Sabado noong nakaraang linggo.

Ito ang binigyang-diin sa pahayag na inilabas ng Embahada ng Japan sa Maynila. Mahalaga ang relasyon ng Japan sa Pilipinas at sa mga kabilang sa Association of South East Asian Nations o ASEAN.

Isa umanong strategic partner ang Pilipinas dahilan sa pagkakahalintulad ng mga pinahahalagahan at tinaguriang strategic interests. Mayroong apat na initiatives na magpapatibay sa magandang relasyon ng dalawang bansa.

Upang magkaroon ng masiglang ekonomiya, inirekomenda ni Prime Minister Abe ang paggamit ng Japanese system of digital terrestrial television. Nagkasundo rin silang isulong ang pagtutulungan sa transportation at traffic infrastructure sa Metro Manila at ang paglalaan ng 10 bilyong Yen sa ilalim ng Stand-by Emergency Credit for Urgent Recovery (SECURE) upang makatulong sa dagliang pagbawi mula sa anumang trahedya.

Pangalawa ang pagpapatuloy ng capacity building assistance sa Philippine Coast Guard at paglalalaab bg sampung patrol vessels upang makapagpatrolya. Pangatlo naman ang pagtatapos ng topographic map ng Mindanao upang makatulong sa Mindanao Peace Process. Isusulong din ang people-to-people exchange sa pamamagitan ng Turismo. Palalawakin din ang civil aviation links at pagdaragdag ng regular na biyahe (ng eroplano) sa pagitan ng dalawang bansa.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>