|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kalihim Balisacan: Dapat dalhin ang kaunlaran sa mga lalawigan
SA likod ng mga balitang may 62% ng buong economic growth ang nasa Metro Manila, CALABARZON at Gitnang Luzon, kailangang makarating ito sa mga rehiyon at lalawigang malayo sa mauunlad na pook.
Ito ang pahayag ni Kalihim Arsenio Balisacan, ang NEDA Director General, sa talumpating binasa ni Deputy Director General Margarita Songco sa 1st Regional Competitiveness Summit.
Ang pagkakaroon ng economic growth sa mga rehiyon ang magbibigay ng mga alternatibo sa mga mangangalakal na makikinabang sa yamang likas at mga maituturing na aseets ng iba't ibang rehiyon. Mangangahulugan ito ng hanapbuhay para sa mga mamamayan na magdudulot ng mas magandang kinabukasan. Makakaambag din ang mga mamamayan sa kaunlaran ng kanilang komunidad, dagdag pa ni Kalihim Balisacan.
Pinakamataas ang poverty estimates noong 2012 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, SOCKSARGEN, Silangang Kabisayaan at Zamboanga Peninsula.
Pinakamababa naman ang poverty incidence sa National Capital Region, CALABARZON at Gitnang Luzon. May 57% ng mga tindahan at 65% ng mga may hanapbuhay ang nasa mga rehiyong ito noong 2011. Samantala, 56% ng mga bagong kumpanyang naitala ang nasa NCR, CALABARZON at Gitnang Luzon.
Higit na bibigyang-pansin ang sektor ng manufacturing, pagsasaka, turismo, IT-BPO, agri-business at housing. May mga nakaprogramang proyekto sa infrastructure upang suportahan ang mga kalapit na rehiyon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |