|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangalawang barko ng Pilipinas, dumating na
NAKARATING na sa lalawigan ng Aurora ang ikalawang barkong binili ng Pilipinas sa Estados Unidos at sinalubong ng mga mangingisda kaninang umaga.
Ang barko na kilala sa pangalang BRP Ramon Alcaraz ay naglakbay ng halos dalawang buwan mula sa South Carolina.
Naglakbay ang barko sa Dagat Pasipiko na may lulang 88 opisyal at mga tauhan.
Umalis ang barko noong ika-10 ng Hunyo sa South Carolina. Nabili ito sa US Coast Guard at inaasahang mag-aangkla sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales sa darating na Martes. Isang pormal na welcome ceremony ang gagawin bilang pagsalubong sa ikalawang sasakyang dagat na kasunod ng BRP Gregorio del Pilar. Pawang decommissioned US Coast Guard ships ang dalawa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |