|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Walo ang nasawi, dalawang malubha sa pagsabog ng bomba sa Cotabato City
WALO katao ang nasawi samantalang 30 ang nasugatan ng sumabog ang isang bomba sa kabahaan ng Sinsuat Avenue sa Lungsod ng Cotabato kahapong mga pasado ika-apat ng hapon.

Ipinaliliwanag ni Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, Tagapagsalita ng Philippine National Police, na dinagdagan ng mga pulis at kawal mula sa Armed Forces of the Philippines ang nagpapatrolya sa lungsod. Mayroon ding intelligence exchange sa pag-itan ng mga ahensya ng pamahalaan. Sa pagsabog kahapon, walo katao ang nasawi samantalang 13 ang nananatili sa pagamutan. Dalawa ang nasa intensive care unit hanggang ngayon. (Contributed Photo)
Sa panayam kay St. Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng Philippine National Police sa Campo Crame, 13 pa ang nananatili sa pagamutan at kinabibilangan ng dalawang nasa malubhang kalagayan.
Ayon kay Sr. Supt Sindac, ang dalawa'y nasa intensive care unit ng Cotabato Regional Medical Center samantalang napauwi na ang 17 iba pa.
Patuloy ang pagsisiyasat ng kinauukulan. Bagama't kinikilala pa rin ang posibilidad na bahagi ng terorismo ang naganap, may mga detalyes na personal ang motibo laban sa kay Cotabato City Administrator Atty. Cynthia Guiani Sayadi. Wala pang kahit sino ang nagsasabing may kinalaman sa pagpapasabog ng improvised explosive device.
Sa pangyayaring ito, higit na hinigpitan ang seguridad sa lungsod at patuloy ang pagpapakalat ng mga tauhan ng pulisya sa buong lungsod. May pagtutulungan din ang mga tauhan ng pulisya at Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Nagpadala rin ng mga tauhan ang Armed Forces of the Philippines upang tulungan ang pulisya sa pagpapatrolya sa pook.
Tuloy pa rin ang intelligence exchange ng mga ahensya ng pamahalaan upang matapos ang imbestigasyon.
Sa isang ambush interview kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, wala umanong indikasyon na may kaugnayan sab anta ng Al Qaeda ang pagsabog kahapon sa Lungsod ng Cotabato.
Mayroon na umanong mga suspect ang security officials sa insidente. Sa panayam na ginawa kasabay ng palatuntunan sa pagdating ng BRP Ramon Alcaraz, pinag-aaralan pa nila kung magdedeklara ng "State of Emergency."
Kinondena naman ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ang insidente na ikinasawi ng mga taong walang kamalay-malay sa mga pangyayari. Nanawagan ang pangalawang pangulo sa pulisya na magsagawa ng malawakang imbestigasyon at dakpin ang mga may kagagawan at panagutin sa ilalim ng batas sa pinakamadaling panahon. Nararapat lamang bigyang katarungan ang mga naulila at mga kamag-anak ng mga nasugatan. Humiling din siya sa madla na ipagdasal ang mga nasawi at ang maagang paggaling ng mga sugatan at matanggap ng mga naulila ang naganap sa kanilang mahal sa buhay.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |