|
||||||||
|
||
Mga manggagawang mula sa Syria, makakauwi na rin sa wakas
NAKATAKDANG maglakbay pabalik ng Pilipinas ang 53 mga Pilipino sa Syria sa pagtutulungan ng mga embahada ng Pilipinas sa Damascus at Beirut.
Maayos ang pangangatawan ng mga maglalakbay pauwi sa Pilipinas matapos dalhin sa hangganan ng Syria at Lebanon ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus.
Mula sa hangganan, tinulungan sila at inihatid sa paliparan ng mga kawani ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut.
Ang International Organization for Migration ang gumastos para sa pamasahe ng mga manggagawa.
Kung hindi magkakaroon ng aberya dahilan sa masamang panahon, makakarating ang grupo sa Maynila ganap na 11:05 ng gabi ngayon sakay ng Qatar Airways flight QR 644. Sa pagdating ng grupo, aabat na sa 4,510 ang bilang ng mga nakauwing manggagawang Pilipino mula sa Syria.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |