![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
20130823aygjieri
|
AYG Youth Festival
Matapos ang matinding pag-eensayo at ang grabeng pressure mula sa paglahok sa Ika 2 Asian Youth Games, sa huling mga araw sa Athlete's Village pwede nang magrelax ang mga batang atleta.
Kabilang sa mga aktibidad na pwedeng lahukan ng mga Atleta ang SHU Evening, ito ay isang programang kultural na hangad ay bigyan ng pagkakataon ang mga atletang magkaroon ng mas malalim na kaalaman hinggil sa iba't ibang bansa na kalahok sa AYG.
Margaret Colonia ng Weightlifting Team ng Pilipinas
Ani Margaret Colonia ng Weightlifting Team ng Pilipinas marami siyang natutunan sa Youth Festival.
"Pagkatapos ng competition naming wala nap o kaming problema pwede na kaming magsaya, lakad lakad po para may time din magpahinga. Marami pong (makikita) sa cultural booth doon sa village. Maganda po maraming mga kultura ng ibat ibang bansa na napapanood ko dun. Dito po pwede kaming gumawa ng paintings"
Nagkaroon siya ng interes sa Tsina,
"Kasi po nakita ko ang pananamit nila yung lenggwahe nila at paniniwala nila sa kanilang booth." Sa Kazakstan naman natutunan nya ang paper making.
Nang tanungin hinggil sa kanyang tingin sa mga taga-Nanjing, sagot nya
"Maganda (ang Nanjing) maraming mababait na tao, magagalang at marespeto."
Ang AYG ang nagsusulong ng pagkakaibigan sa mga atleta, ito'y magandang pagkakataon para makahanap ang mga bata ng panghabang buhay na kaibigan.
Ani Margaret, may mga best friends na siya mula sa Korea, Japan, China at India. At ayon sa batang weightlifter marami siyang mga kaibigan na mula sa North Korea. Mahiyain daw sila pero mababait. Bilang ala-ala ng kanilang pagkakaibigan ay nagpalitan sila ng pins.
Uuwi si Margaret pabalik sa Pilipinas na baon ang maraming ala-ala ng AYG at ng Nanjing. Bilang isang atleta mas magiging pursigido sya. At bilang isang bata, mas malawak ang pang unawa niya hinggil sa kultura at pamumuhay ng kapwa nya bata mula sa ibang bansa.
Reporter: Machelle at Lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |