![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pinaka-malaki at pinakamatandang simbahan sa Pampanga, kinilala ng National Museum
ANG pinakamalaki at pinakamatandang simbahan sa Pampanga ay deklaradong Important Cultural Property ng National Museum.
Sa seremonyang idinaos kamakailan, kinatampukan ito ng paggagawad ng sertipiko sa pamahalaang bayan at mga alagad ng simbahan na nagdeklara sa 441 taong simbahan ni San Agustin bilang Important Cultural Property.
Sinabi ni Carmencita de los Mariano, ang pinuno ng National Museum Cultural Heritage Preservation Section na ang simbahan ay mayroong kakaibang disenyo. Mayroon din itong simple subalit magandang retablo.
Itinayo ng mga Agustinong misyonero noong 1572 mula sa kahoy, kawayan at nipa, nasa Barangay Sta. Catalino noon ang simbahan. Dahilan sa taun-taong pagbaha, inilipat ito sa tabi ng munisipyo ng Lubao noong 1602.
Si Fr. Antonio Herrera, isang Agustinong misyonero at arkitekto ang namuno sa pagtatayo nito mula 1614 hanggang 1630 na ginamitan ng tisa at buhangin na nilagyan ng puti ng itlog.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |