|
||||||||
|
||
20130912ditorhio.m4a
|
Diyalogo ng mga opisyal-Pilipinoat mga CEO ng mga kompanyang Tsino
Mga kaibigan, noong nakaraang lingo ay idinaos sa lunsod ng Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ang Ika-10 CAExpo, kung saan ang Pilipinas ang naging "Country of Honor." Dito, itinampok din ang Isabela bilang "City of Charm."
Ibat-ibang diyalogo at pulong ang idinaos sa pagitan ng mga mataas na opisyal ng Pilipinas at Tsina, kasama ang mga pangunahing personahe mula sa sirkulo ng negosyo at pamumuhunan. Pinag-usapan nila ang pagpapalakas ng relasyon pang-ekonomiya upang maisulong ang trade at investment, at kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang panig. Nagkaroon din ng isang promotional conference na naglalayong ipakita ang mga bentahe ng Pilipinas sa larangan ng pagnenegosyo at turismo.
Bagamat may di-pagkakaunawaan ang Tsina at Pilipinas sa isyung panteritoryo, nagkasundo ang lahat ng mga dumalo na dapat hindi ito makaapekto sa relasyong pangkalakalan ng dalwang bansa. Sabi pa nga ng karamihan sa mga mangangalakal na Pilipino, kabilang na si Secretary Gregory Domingo ng Department of Trade and Industry (DTI) at Francis Chua ng Federation of Filipino Chamber of Commerce and Industry Incorporated (FFCCCII), ang negosyo ay kailangang magpatuloy, at iwanan ang pulitika sa mga pulitiko, dahil sila ang mas nakakaalam nito.
Sa panig naman ng lokal na pamahalaan ng Isabela, ibinida nina Mayor Bernard Faustino M. Dy ng Cauayan at Edward Isidro, Board Member ng Isabela ang mga bentahe ng probinsya sa larangan ng turismo at negosyo.
Tunay ngang napakaraming pangyayari sa Ika-10 CAExpo, makikita iyan sa mga ulat na ipinadala natin noong naroon tayo. Pero, ano nga ba ang CAExpo, para saan ba ito, at paano ba ito nakakatulong sa mga bansang ASEAN at Tsina?
Ang CAExpo ay iminungkahi ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina noong October 8, 2003 sa Ika-7 China-ASEAN (10+1) Leaders' Summit na idinaos sa Pali Island, Indonesia. Ito ay tinanggap ng mga lider ng sampung bansang ASEAN, at itinalaga ang Nanning, Guangxi, bilang permanenteng pinagdarusan.
Sa pamamagitan ng CAExpo, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mangangalakal ng Tsina at mga bansang ASEAN na ipakilala at ibenta ang kanilang mga produkto sa isat-isa. Ito rin ay pagkakataon upang humanap ng mga business partner mula sa ibat-ibang bansang ASEAN at sa Tsina. Ngunit, ang pinaka-importanteng pungsyon nito ay pagsusulong ng people-to-people exchanges at pagpapakilala ng kultura sa bawat isa. Ito rin ay unang hakbang sa konstruksyon ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Idinaos noong November 3 – 6, 2004 ang unang CAExpo. Ito ay nagkaroon ng 2,506 exhibition booth para sa 1,505 exhibiting enterprises. Mayroon itong labing-walong (18,000) libong exhibitor at trade visitor; at dalawang daa't sampung (210) kategorya na tulad ng machinery & equipment, kagamitan sa bahay, produktong ICT, automobile & parts, hardware at produktong mineral, building material, agro-based product, etc. Ang trading volume nito ay umabot sa mahigit 1 bilyong dolyar: 875 milyong dolyar para sa export volume, 110 milyong dolyar sa import volume, at 99 milyong dolyar para sa Chinese domestic trading volume.
Noong Ika-9 na CAExpo, nagkaroon ng 4,600 na exhibition booth, samantalang 52,000 naman ang bilang ng mga bisita at trade visitor. Ang trade volum ng Ika-9 na CAExpo ay 1.878 bilyong dolyar. Ang kabuuang trade volume naman magmula nang simulan ang CAExpo ay 13.568 bilyong dolyar. At bagamat hindi pa pinal ang kalkulasyon ng kabuuang bolyum ng kalakalan ng CAExpo ngayong taon. Inaasahang patuloy pa itong tataas.
At upang lalo pang payamanin ang kooperasyon ng mga bansang kalahok sa CAExpo, itinayo ang "Pavillon of Charm" noong Ika-2 CAExpo. Dito ipapakilala ng Tsina at 10 bansang ASEAN ang kanilang napiling lunsod upang ipagmalaki ito sa larangan ng negosyo, trade at investment, siyensiya at teknolohiya, kakayahang panturismo, at kultura. Ang City of Charm" ng Pilipinas ngayong taon ay Isabela.
Emilia Fernandez (kaliwa), LakayRhio (kanan), at mga volunteer mula sa Peking University
Mayor Bernard Faustino M. Dy ng Cauayan, Isabela
Seremonya ng pagbubukas ng Ika-10 CAExpo
Grace See
Sina Lakay Rhio at ang mag-asawang Jacildo
Sina Lakay Rhio at Edward Isidro, Board Member ng Isabela
Ang Philippine pavillon sa Ika-10 CAExpo
Brian Lim at Lakay Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |