|
||||||||
|
||
gnm20130915.m4a
|
September 15, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay, ha? At kung hindi man dahil may problema, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Salamat kina Espie ng del Pan, Sta. Ana; Lucy ng Circumferential Road,Antipolo; Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China; Arlene ng Nakar, SanAndres; at Wilma ng Bangkal, Makati City. Natanggap ko na ang mga SMS niyo at babasahin ko ang mga ito sa ikalawang bahagi ng ating programa.
Young actor, halos isuka ng pinanggalingang eskuwelahan! Abangan ang Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
10th CAEXPO sa Nanning, China
Sabi ni Francis ng B. F. Homes Paranaque: "Ang CAEXPO ay para na ring platform para sa trade exchanges ng China at mga bansang ASEAN. Nagbibigay ito ng magandang oportunidad para maipakita ng China at ng ASEAN ang pinakamaganda nilang produkto, serbisyo at lugar na panturismo."
Sabi naman ni Dr. George ng Nakar, San Andres, Manila: "Kapuri-puri ang mga mamamayan ng Davao sa ginawa nilang pagtatanghal ng mga katutubong tugtugin at sayaw diyan sa Tsina. Kahit papaano, makakatulong iyan sa pagpapahupa ng tensiyon na namamagitan sa Pilipinas at Tsina."
Sabi naman ni Lily ng Bajac-Bajac, Olongapo City: "Bakit hindi tayo maglunsad ng fund raising campaign na 'Piso Bawat Pilipino para sa Syria'? Kung aabot ng milyon ang mag-aabuloy, malayo na rin ang mararating nito para matugunan ang pangangailangan ng Syrian refugees."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
CHEN JIA QI
Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Chen Jia Qi sa awiting "Embrace of Joy," na lifted sa collective album na may pamagat na "Super Girls' Voice."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Pagtatanghal ng Davaoenos sa Marco Polo Parkside Hotel Beijing
Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng ilang textmates.
Sabi ni Espie ng del Pan, Sta. Ana: "Mabuti't nariyan ka, Kuya Ramon. At least, may hingahan kami ng sama ng loob. Mahirap din kung hindi mo nailalabas ang nararamdaman mo."
Sabi naman ni Lucy ng Circumferential Road, Antipolo: "Hanggang ngayon naman iyong mga ipinadadala ng mga Pinoy abroad natin ang inaasahan nang malaki ng bansa. Hindi nila dini-develop ang local industries natin."
Sabi naman ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Good news, Kuya Ramon. Available na uli ang saging natin sa mga supermarkets dito sa Beijing. Maging iyong dried mangoes from Cebu nabibili na rin. Magandang balita, di ba?"
Sabi naman ni Arlene ng Nakar, San Andres: "Hindi siguro nila maso-solve ang kaguluhan ngayon sa Mindanao kung dadaanin nila sa baril at bala. Bakit hindi sila magdaos ng peacetalks at kausapin nila iyong mga taong involved sa usaping ito?"
Philippine Banana at Dried Mango Available sa Ilang Piling Supermarket sa Beijing
Sabi naman ni Wilma ng Bangkal, Makati: "Lagi kong binabasa ang mga recipe ng Chinese food na ipino-post ninyo sa website. Nag-aaral kasi akong magluto ng mga Chinese food. Ito ang pinaka-paborito ko sa lahat!"
Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Iyan naman ang Soapdish sa kanilang awiting "Ewan Ko," na hango sa album na pinamagatang Pinoy Play File."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |