|
||||||||
|
||
rhioblog
|
Mga kaibigan, noong nakaraang Biyernes ay inimbitahan po ng Beijing People's Association for Friendship with Foreign Countries (BPAFFC) at Beijing NGO Association for International Exchanges ang Dito Lang 'Yan Sa Tsina at ilan pang mga dayuhang manggagawa ng China Radio International upang magtungo sa Beijing East New Culinary School para tunghayan at tikman ang ilan sa mga kilalang lutuing Tsino.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong ipakilala sa mga dayuhan ang kultura at pamumuhay ng mga Tsino para mas tumibay ang kanilang pagkakaunawa sa Tsina at kulturang Tsino at vice versa.
Dito, ipinakilala ng magagaling na chef ng Beijing East New Culinary School ang ibat-ibang uri ng pagkaing Tsino at ang mga klasipikasyon nito.
Bukod pa riyan, itinuro rin nila sa mga laowai ang pagluluto ng tatlong katakam-takam na pagkain: ang "ma po tofu," "yu xiang rou si," at "xi hong shi chao ji dan."
Ang pagluluto ng ma po to fu ay similar sa ginisa ngunit ang mga rekado nito ay talagang katutubo sa Tsina. Ang main ingredient, siyempre, ay tofu at ang lasa nito ay medyo maanghang at maalat.
Samantala, ang yu xiang rou si ay karne ng baboy na hiniwa ng manipis at pahaba, iginigisa ito sa bawang at sibuyas at nilalahukan ng mga pampalasang Tsino. Maalat-alat ang lasa nito.
Ang xi hong shi chao ji dan naman ay itlog na iginsa sa kamatis. Kahawig na kahawig nito ang ating sarsiyadong itlog. Ngunit sa halip na iginigisa sa bawang at sibuyas, ibat-ibang mga pampalasang Tsino ang isinasahog dito. Ang lasa ay kahawig din ng ating sarsiyado sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |