|
||||||||
|
||
PTNT/20130930.m4a
|
Ang Wo Shi Yi or 11 Flowers sa Ingles ay pelikula ni Wang Xiaoshuai.
Nakatuon ito sa panahon ng Cultural Revolution, partikular sa huling taon bago ito magtapos. Sina Wang Han (Liu Weijun) at kanyang mga kaibigan na sina Mouse (Zhong Guo Liuxing), Louse (Zhang Kexuan) and Weijun (Lou Yihao) ay 11 taong gulang at nagsisimula nang magbinata.
Ang pamilya ni Wang Han ay mula sa lunsod at dahil sa Cultural Revolution ipinadala sila sa Guizhou, isang probinsya para doon manirahan. Simple ang pamumuhay dito, nagtratrabaho ang mga magulang sa pabrika at ang mga bata naman sa kanilang libreng oras ay naglalaro sa tabing ilog o sa kanilang pamayanan.
Ipinakita sa pelikula ang routines kung saan itinuturo ang pagkamakabayan, naririnig ang mga revolutionary songs, ipinakikita ang sabayang pageehersisyo at ang pag-awit ng mga makabayang awitin sa loob ng klase.
Mahirap ang buhay. Walang malaking kita at sapat lang ito sa pang-araw nilang pangangailangan. Isang araw napili para maging lider si Wang Han sa gymnastics exercises at kailangan nya ng bagong damit.
Inirarasyon ang tela sa bawat pamilya at ang mga bagong damit ay kadalasang isinusuot lang kapag bagong taon o Chinese New Year. Kaya malaking away ito sa pagitan ni Wang Han at kanyang ina (Yan Ni). Bumigay rin naman ang nanay at kumuha ng bagong tela at magdamag na tinahi ang bagong damit para sa anak.
Sa puntong ito nagkaroon ng bagong elemento ang kwento sa paglitaw ni Xie Juehong (Mo Shiyi), at ang kanyang kuya na si Xie Juequiang (Wang Ziyi) at tatay nilang si Old Xie.
Ang pamilyang Xie ay dumaranas ng nakapalaking hamon. Dahil ipinaghihiganti ni Xie Juequiang ang kanyang kapatid na si Xie Juehong na ginahasa. Sa halip na iharap sa batas, pinili ng kuya na maghiganti at patayin ang salaring si Chen.
Naging simbolo ang bagong polo shirt na ito para sa damdamin ng mga tao noong huling yugto ng Cultural Revolution. Marami ang lito at di alam ang kapalarang naghihintay sa kanila. At ang polo shirt ay di sinasadyang nag-ugnay sa dalawang pamilya.
Isang coming of age movie ito para sa mga bata. Sa pelikula unti unting namulat ang mga batang ito sa mga problema sa lipunan tulad ng paghihikahos, kalayaang pumili ng trabaho at paano umiiral ang hustisya at katarungan.
May ilang eksena na nagpakita ng damdamin ng mga ordinaryong tao. And eksena kung saan napa-away ang tatay ni Wang Han (Wang Jingchun) at sinabi nyang walang siyang pakialam sa mga idelohiya nila at ang tanging importante sa kanya ay ang buhayin ang kanyang pamilya at magtrabaho ng maayos at kumita ng pera.
Nakaka-antig rin ang eksena kung saan umiyak so Old Xie dahil sa sinapit ng pamilya sa kanayunan. At kung gaano kalaki ang nagbago sa kanilang pamumuhay kumpara noong nasa Shanghai pa sila.
Inilahad ng direktor ang kawalan ng kapangyarihan ng mga tao na magdesisyon para sa kanilang buhay. Mahalagang eksena rin ang ipinakita kasama ang prison guard. Sinabi nyang nakakahinayang si Xie Juehong. Na kamatayan ang kaparusahan sa nang gahasa sa kanyang kapatid, pero pinili nyang mutil ng buhay. Kaya death penalty ang magiging kaparusahan nya sa huli.
Sa pelikulang ito, mahusay ang cinematography. Ang Cultural Revolution ay isang panahon na malaki ang epekto sa mamayang Tsino. Sa pelikula makikita ng mga kulay abong gusali, matataas na pader na may mga aral ni Mao Zedong. At nag iwan ng malalim na impresyon ang mga execution orders na naging pagtatapos ng pelikula. Para sa mga batang bida ano nga ba ang kapalaran na naghihintay sa kanilang pagbibinata matapos lumaki sa panahon ng Cultural Revolution?
Isang mensahe ng pelikula ay: "The more a child perceives what the adults around him are doing, the more childhood slips away."
RATING: Machelle at Andrea : 9
Si Wang Han (Liu Weijun)
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |