Ang "Golden Decade" ay unang iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina noong ika-10 China ASEAN Expo, at ito ay mainam na paglalarawan sa bunga ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN nitong nakalipas na sampung taon.
Nagsimula ang "Golden Decade" noong taong 2003, kung kailan itinatag ng Tsina at ASEAN ang estratehiko at kooperatibong partnership. Sa loob ng sampung taong ito, umunlad nang malaki ang relasyon at kooperasyon ng dalawang panig, lalung-lalo na sa larangan ng kabuhayan at kalakalan. Naitatag ang ASEAN China Free Trade Area, lumaki ng 5 ulit ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang panig, na umabot sa 400 bilyong Dolyares, at lumaki din ng 3 ulit ang kanilang pamumuhunan sa isa't, na umabot sa 100 bilyong Dolyares.