Sa ika-16 na China ASEAN Summit na idinaos ngayong hapon sa Bandar Seri Begawan, Brunei, iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang "2 plus 7" points na balangkas na pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN. Ito aniya ay para mapalawak, mapalalim, at mapataas ang kooperasyon ng dalawang panig sa darating na sampung taon.
Kabilang dito, ang "2" ay tumutukoy sa dalawang pulitikal na komong palagay. Una, ang pagpapalalim ng estratehikong pagtitiwalaan at pangkapitbansaang pagkakaibigan ay saligan ng kooperasyong Sino-ASEAN. At ikalawa, ang pagbibigay-pokus sa kaunlarang pangkabuhayan na may mutuwal na kapakinabangan at win-win result ay susi ng kooperasyong ito.
Ang "7" naman ay tumutukoy sa kooperasyon sa pitong larangan. Ibig sabihin, pagtalakay ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pangkapitbansaang pagkakaibigan at pagtutulungan, pag-uupdate ng China ASEAN Free Trade Area, pagpapabilis ng konstruksyon ng mga imprastruktura para sa connectivity, pagpapalakas ng kooperasyong pinansyal ng rehiyong ito, pagpapasulong ng kooperasyong pandagat, pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng seguridad, at pagpapahigpit ng kooperasyon sa kultura, siyensiya, teknolohiya, at iba pa.