|
||||||||
|
||
Maarte/20131015.m4a
|
Ang Shangri-la
Mayroon pa akong isang katanungan sa inyo. Kilala po ba ninyo si Yang Liping? Mas kilala siya bilang tagapagpakilala ng Yunnan sa pamamagitan ng sayaw. Ngayong gabi, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil kay Yang Liping at ang kanyang sayaw na "Dynamic Yunnan."
Mahigit 5,000 taon na ang nakakaraan, lumitaw ang unang Chinese folk dance. Umunlad ito kasabay ng pagbabago ng pang-araw-araw na pamumuhay, aktibidad ng mga kapistahan, at kaugalian.
Ano ang "Dynamic Yunnan?" Ito ay isang malakihan, orihinal, at ethnic na dance musical. Binubuo ito ng mga folk song at sayaw ng mga minorya sa lalawigang Yunnan, at itinatanghal sa pamamagitan ng modernong koreograpiya.
Anu-ano ang mga katangian ng "Dynamic Yunnan?"
Ang "Dynamic Yunnan"
Una, ipinakikita nito ang orihinal na katangian ng mga ethnic folk song at sayaw;
Ikalawa, ipinakikita nito ang aktuwal na paraan ng pamumuhay ng mahigit 10 minorya sa lalawigang Yunnan;
Ikatlo, gumagamit ito ng totoong na ulo ng toro, Tibetan praying stones (Mani stone), at iba pang mga mahalagang bagay bilang props;
Ika-apat, ginagawa ito sa pamamagitan ng 68 drum na may ethnic beat at ritmo, at idinedekorasyon ang mahigit 120 natatanging maskara sa estilo ng mga minorya ng Yunnan;
Ikalima, 70% ng mga tagapagtanghal ay galing sa mga nayon ng Yunnan, marami sa kanila ay mga magsasaka;
Ika-anim, lumilikha ng isang 3D ng daigdig ang mga ilaw, musika, stage design para sa mga tagapanood.
Ang "Dynamic Yunnan" ay nagkukuwento tungkol sa sanlibutan, kalikasan, kultura, paghahanap ng simula ng buhay, pagpuri sa buhay, at pag-asang makamtan ang buhay na walang-hanggan.
Si Yang Liping
Sino si Yang Liping? Maganda siyang dancer. Siya ang director, choreographer, at main actress ng "Dynamic Yunnan." Bukod dito, ginawa rin niya ang "Echoes of Shangri-la" at "Tibetan Myth," na kapuwa nagpapakita ng orihinal na katangian ng mga minoryang Tsino. Para sa pagtatanghal, naglagay siya sa 26 na ethnic minority tribes at inanyayahan ang mahigit 60 magsasaka na may talento sa orihinal na kanta at sayaw.
Dahil sa pagsisikap ni Yang at ng kanyang grupo, nakuha ng "Dynamic Yunnan" ang lima sa lahat ng sampung awards sa ika-4 na "Lotus Award," pinakamarangal na dance competition sa Tsina. Nakuha nito ang Golden Award for Dance Musical, Best Choreographer, Best Actress, Best Costume Design, at Best Performer (Drum Dance).
Bakit ginawa ni Yang Liping ang "Dynamic Yunnan?"
Ang Yunnan ay tinatawag na "Secret Garden" at "Hidden Land" dahil sa orihinal na kagandahan nito. Pero, kasabay ng pagpasok ng modernong kultura, unti-unting nawawala ang kagandahang ito. Gusto ni Yang Liping na panatilihin ang kagandahan ng Yunnan sa stage at sa puso ng mga tao.
Para sa mas maraming detalye tungkol sa "Dynamic Yunnan", punta po kayo sa website na: www.dynamicyunnan.com.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |