![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Philippine Chamber of Commerce and Industry, tatalakayin ang People's Initiative
Tiniyak ni Atty. Miguel B. Varela, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Inc. na pag-uusapan sa darating na 35th Business Conference ang kahalagahan ng konsultasyon sa people's initiative. Gagalaw ang PCCI kung idedeklara ng Korte Suprema na legal ang pork barrel system. (Melo Acuna)
LALAHOK ang Philippine Chamber of Commerce and Industry sa mga gagawing konsultasyon kung susuportahan o pababayaan na ang panukalang batas sa pamamagitan ng People's Initiative na buwagin na ang pork barrel system.
Sa isang media briefing kanina, sinabi ni Atty. Miguel B. Varela na kikilos ang PCCI sa oras na maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na ang pork barrel fund ay ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas. Pag-uusapan ng kanilang mga kasama kung lalagda pa sila sa people's initiative na buwagin na ang pork barrel.
Ang mga negosyante ang pinakamalaking magbayad ng buwis at may karapatang magpahayag ng kanilang opinion kung paano nararapat gastusin ang buwis.
Itinatadhana sa batas na magkakabisa ang batas na idadaan sa people's initiative kung magkakaroon ng may 10% ng mga rehistradong botante sa buong bansa at tatlong porsiyento ng mga botante sa bawat distrito.
Sisimulan sa ika-22 ng Oktubre ang kanilang taunang pagtitipon sa Manila Hotel.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |