20131017ditoBeijingTimechase.m4a
|
Ang sibilisasyong Tsino ay nagsimula, mahigit 3,000 taon na ang nakakaraan. Sa pagdaan ng libu-libong taon, napakaraming mahahalagang pangyayari at kuwento ang naisulat sa aklat ng kasaysayan ng Tsina.
Minsan, ang mga kuwentong ito ay hinggil sa kabayanihan, pag-u-unipika ng bansa, paglaban sa mga dayuhang puwersa, pagtatagumpay, pagmamahal, at pagkabigo, at marami pang iba.
Ang mga kuwentong ito ay hindi lang nangyari sa iilang lugar sa Tsina, kundi sa halos lahat ng sulok ng bansa ay napakaraming nangyaring mahahalagang kuwento noong nakaraan.
Dahil sa mahabang kasaysayan na ito, napakarami ring mga relikya at sinaunang gusali ang naiwan, lalo na sa mga sinaunang kabisera ng mga dinastiya ng Tsina; tulad ng Xi'an, Henan, Nanjing, Beijing, etc.
1 2 3 4 5 6