Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Er Ren Zhuan

(GMT+08:00) 2013-10-23 16:56:39       CRI

Mga kaibigan, noong nagdaang Martes, isinalaysay ko sa inyo ang Dynamic Yunnan at si Yang Liping, alagad ng sining na tagapagpakilala ng Yunnan sa pamamagitan ng sayaw. Ang Yunnan ay isang lalawigang binubuo ng maraming uri ng kanta at sayaw dahil marami ang mga minorya roon. Sa katotohanan, sa iba't ibang lugar ng Tsina, mayroong sariling kanta, sayaw, at iba pang uri ng sining na ipinakikita ang katangian ng lokalidad.

Ngayon, dalawin natin ang Hilagang silangang Tsina para alamin ang Er Ren Zhuan.

(sound Er Ren Zhuan ng Hilagang silangang Tsina)

Sina Zhao Benshan at Song Zuying ang nagtatanghal ng Er Ren Zhuan

Ang naririnig ninyo ay ang "Er Ren Zhuan ng Hilagang silangang Tsina." Sa saliw ng musikang ito sumasayaw sina Zhao Benshan at Song Zuying.

Mga kaibigan, alam po ba ninyo ang Er Ren Zhuan, ay isa sa mga National Intangible Cultural Heritage ng Tsina?

Ang Er Ren Zhuan ay isang lokal na folk dance at song na popular sa Hilagang silangang Tsina, gaya ng lalawigang Liaoning, Jilin, Heilongjiang. Karaniwa'y itinatanghal ang Er Ren Zhuan ng dalawang tao, isang lalaki at isang babae. Kumakanta sila samantalang sumasayaw. Kapag sumasayaw, ginagamit ang folded fans o pulang panyo na pinaiikit ng hintuturo. Nagkakaiba ang pagtatanghal dahil sa katawa-tawang linya ng kanta at kilos ng sayaw.

Ang pagtatanghal ng Er Ren Zhuan



Ang narinig ninyo ay "Da Xi Xiang," isang kilalang obra ng Er Ren Zhuan.

Maaaring sabihin na hindi ito kasing seryoso sa Peking Opera. Dahil nagsimula ang Er Ren Zhuan batay sa Yangge, isang uri ng sayaw na lokal, mayroon itong mga katangian ng kanayunan. Ginagamit nito ang dialect ng Hilagang Silangang Tsina, na naging mas katawa-katawa kumpara sa Mandarin. Ang kilos ng sayaw minsa'y eksaherado. Ang dalawang tagapagtanghal ng Er Ren Zhuan ay katulad ng papel ng Dan o papel ng babae at Chou o payaso sa Peking Opera. Ang pangunahing instrumento na ginagamit sa Er Ren Zhuan ay suona horn at banhu fiddle, parehong tradisyonal na instrumentong Tsino.

Pag sinabing sining ng Hilagang silangang Tsina, dapat mabanggit natin si Zhao Benshan. Sino siya? Malaki ang ambag niya sa pagpapasikat ng Er Ren Zhuan sa buong Tsina. Si Zhao Benshan ay isang comedian na tinatawag na "Charlie Chaplin ng Asya." Siya rin ang tagapagmana na magpapatuloy sa legasiya ng Er Ren Zhuan.

Si Zhao Benshan

Si Zhao Benshan sa CCTV Spring Festival Gala

Napakasikat ni Zhao dito sa Tsina. Kilala siya ng halos lahat ng Tsino. Mula noong 1990 hanggang 2011, napapanood siya sa Spring Festival Gala sa CCTV taon-taon. Ang kanyang sketches ay palagiang mainit na tinatanggap ng mga tao. Sa darating na Spring Festival Gala para sa 2014, si Zhao Benshan ang Pangalawang Direktor nito, at siya ang mamamahala sa mga lingual na programa gaya ng sketches, at Xiangshen o cross talk.

Isinilang noong 1957 si Zhao Benshan sa Tieling County, Lalawigang Liaoning, Tsina. Mahirap ang kanyang kabataan. Noong 6 taon gulang, namatay ang kaniyang ina, pagkatapos nito, umalis ang kanyang ama ng tahanan. Mula noon, natutuhan ni Zhao mula sa uncle ang ibat ibang sining na gaya ng Erhu, suona horn, Er Ren Zhuan, at sinimulan ang kanyang karera.

Sa simula, umarte si Zhao Benshan sa mga lokal na grupong pansining, at natamo ang maraming award dahil sa kahusayan. Noong 1990, inirekomenda siya ni Jiang Kun, isang kilalang artista ng Xiangsheng, at kauna-unahang nagtanghal ng sketch sa CCTV Spring Festival Gala. Mula noon, ang sketch ni Zhao ay naging isa sa mga highlight ng CCTV Spring Festival Gala. Sa paglaon ng panahon, nagkaroon siya ng apprentice o nakababatang alagad na kanyang tinuturuan, sariling kompanya. Lumalabas na rin siya sa mga pelikula at mga programa sa TV.

Bakit gusto ng mga tao ang pagtatanghal ni Zhao Benshan? Anu-ano ang mga katangian ng mga ito? Dahil taga nayon, kinakatawan ni Zhao ang mga magsasaka. Ang maraming obra niya ay nagpapakita ng tunay na pamumuhay at palagay ng mga magsasakang Tsino. Ang mga damit niya ay katulad din ng mga magsasaka. Ang mga linya niya ay katawa-tawa at may talino.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>