Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ma-Arte Ako] Beijing opera o Peking opera

(GMT+08:00) 2013-10-24 15:22:59       CRI

Nimenhao, mga kaibigan na mahilig sa sining Tsino, natatandaan po ba ninyo ang mga paksa namin noong nagdaang linggo? Pingshu o storytelling, isang uri ng sining Tsino na tampok sa pagkukuwento.

Natanggap namin ang mga maiinit na greetings at komento mula sa inyo, mga giliw na tagasubaybay. Babasahin ko ang ilan sa mga ito.

Sabi ni Manuela kierrulf :

It's a genuine chinese visual art. very chinese. It's got no trace of contemporary touch in its entirety. thanks...

Sabi ni charlene :

wow, bonggang sining! bonggang bongga ka na talaga, ate andrea.

Sabi ni rachelle:

hahaha, talagang "maarte" ka nga, ate andrea. mabuti naman iyong "maarte" kaysa nag-iinarte.

Sabi nipeewee :

maganda kung napapanatiling buhay ang traditional art kaysa natetengga lang sa mga national archives.

Sabi ni dennis: What a pity! i never came across this thing in my readings of chinese arts...

Sabi ni caroline:

Sounds new to me but it's got a long history na pala. Anyway, thanks for the invaluable information.

Sabi ni poska:

Let's get into it, every once in a while, for old time's sake.

Sabi ni mato:

ay, si ate andrea pala i2. kmzta q na ate? ok q lang ba jan? nata2ndaan mo pa ba aq?

Sabi ni dr. george :

mayaman ang sining ng tsina kaya dapat mapangalagaan ang mga ito. kadalasan kasi natatabunan ito dahil sa pagiging "digital" ng buhay.

Sabi ni roven: mga eksperto lang ang makagagawa niyan. iyong ibang sining pwede mo pang dayain pero hindi ito.

Maraming maraming salamat po sa inyo, mga kaibigan. Sa susunod na mga episode ng Ma-Arte ako, sana ay ipagpatuloy ninyo ang inyong pakikinig sa iba't ibang sining ng Tsina, tradisyonal at moderno.

Ngayong gabi, isasalaysay ko sa inyo ang bahagi ng isang sining, bakit bahagi? Dahil sobrang mayaman at marami ang nilalaman. Tinatawag ito na "Chinese heritage."walang iba, kundi ang Beijing opera o Peking opera.

Beijing Opera

Ang Beijing opera ay isang uri ng Chinese theater na binubuo ng musika, boses, paggaya, pagsayaw, at acrobatics.

Kapag sinabing Beijing opera, ano ang naiiwan na pinakamalalim na impresyon sa inyo?

Facial make-up, hindi ba? Ang Beijing opera mask ay isa sa mga pinakapopular na pasalubong ng mga dayuhan pauwi para sa kanilang kaibigan sa iba't ibang bansa.

Ano ang gamit ng facial make-up sa Beijing opera?

Kapag nagtatanghal, heavy make-up ang mga performers. Makulay at exaggerated.

Mga mask

Ang iba't ibang kulay sa mukha ng mga performers ay may nakatakdang kahulugan at ipinakikita ang nagkakaibang characteristics at destiny ng mga karakter. Halimbawa, ang kulay pula ay nangangahulugang katapatan at katapangan. Ang kulay itim ay nagpapakita ng kalakasan at katalinuhan. Ang kulay ilaw at puti naman ay sumisimbolo sa kasamaan at pagkatuso. Ang kulay ginto at pilak ay sumasagisag sa misteryo, para sa mga diyos at halimaw.

Ang narinig ninyo ay ang kilalang bahagi ng Beijing opera na pinamagatang "Silang Tanmu" na itinatanghal ng Master na si Mei Lanfang. Tungkol saan ang "Silang Tanmu"?

Nagtatanghal si master Mei Lanfang

Natatandaan po ba ninyo ang "The Yang Family," isang mahabang saga tungkol sa 4 na henerasyong paglaban ng pamilyang Yang sa mga mananalakay sa bansa noong panahon ng Song Dynasty?

Pareho ang kuwento. Ang "Silang Tanmu" ay bahagi ng saga na ito. Si Yang Silang ay ika-4 anak na lalaki ng pamilya. Sa labanan, natalo si Silang sa bansang Liao. Itinago niya ang tunay na identidad at binago ang sariling pangalan para mabuhay, at nagpakasal kay Prinsesa Tiejing ng Liao. Pagkaraan ng 15 taon, dumalo sa Liao ang nanay ni Silang. Naging homesick si Silang at gusto niyang kumustahin ang nanay. Dahil dito, nalaman ni Prinsesa Tiejing ang tunay na identidad ni Silang…

Okay hanggang diyan na lang ang episode na ito, pero hindi pa tapos ang ating kuwento hinggil sa Beijing opera. Sa susunod na episode, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil sa tagapagtanghal ng naturang "Silang Tanmu"-si master Mei Lanfang, at marami pang kaalaman hinggil sa Beijing opera.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>