|
||||||||
|
||
Xiangsheng Performers: Sina Guo Degang at Yu Qian
Sa programang "Ma-Arte Ako," ihahatid namin sa inyo ang kagandahan ng iba't ibang uri ng sining Tsino. Maririnig ninyo ang kapwa tradisyonal at modernong obra.Sa episode na ito, pakinggan muna natin ang Xiang sheng o crosstalk.
Ano ang Xiangsheng? (simplified Chinese: 相声; traditional Chinese: 相聲; pinyin: xiàngsheng; literally "mutual voice") Ito ay isang uri ng sining ng pagsasalita at pag-awit, o quyi sa wikang Tsino na binubuo ng mga biro, tanong at sagot, pagkukuwento, pagkanta, at iba pang elemento ng komedya.
Walang eksaktong kaparehong sining ang Xiangsheng sa ibang bansa. Pero, ayon kay Dashan (Mark Rowswell), isang Canadian xiangsheng comedian ang pagtatanghal sa Ingles na pinakamalapit sa Xiangsheng ay "Who's on First?" Ito ay ginawa nina Abbott at Costello.
Tulad ng "Who's on First?" karamihan sa mga Xiangsheng ay itinatanghal ng dalawang tao. Kung minsan, may isa o multi performer. Palagiang ginagamit ang puns and allusions, mabilis ang salita ng mga performers. Ang nilalaman nito ay galing sa karaniwang pamumuhay ng mga tao ditto sa Tsina. Ito ay isa sa mga mahalagang dahilan kung bakit gusto ito ng maraming tao.
Nagkakaiba ang papel ng dalawang performers sa pagtatanghal. Isa ay main performer, siya ay tinatawag na "Dou Gen," ang "Dou Gen" ay ang pangunahing nagkukuwento, kumakanta at nagpapatawa. Ang iba pa ay tinatawag na "Peng Gen," siya naman ay kagaya ng isang audience, nagbibigay siya ng reaksyon sa "Dou Gen" para makatulong sa pagpapatuloy ng pagtatanghal.
Ano ang mga katangian ng Xiangsheng?
Unang una, isasalaysay ko sa inyo ang 4 na bantayang skills- speaking (simplified Chinese:说) o pagkukuwento, imitating (simplified Chinese:学) o paggaya, teasing (simplified Chinese:逗) o pagpapatawa, at singing (simplified Chinese:唱) o pagkanta.
Una, pagkukunwento, ibig sabihin isalaysay ang kuwento. Ang mga kuwento sa Xiangsheng ay puwedeng tunay o fictional, at kawili-wili. Para payamamin ang kuwento, palagiang ginagamit ng mga performers ang isang skill, tinatawag na "Guan Kou."
Sa narinig ninyong bahagi ng Xiangsheng, lahat ng sinabi ng performers ay pangalan ng mga Chinese dishes. Sa loob lang ng 1 minuto 16 segundo, nasabi niya ang 130 putahe. Sa simula, dahan-dahan, kasabay ng pagpapatuloy, bumibilis nang bumibilis. Malinaw at walang putol. Ito ang katangian ng "Guan Kou." Ito ay isa sa mga bantayang skills ng mga performers ng Xiangsheng.
Ikalawa, paggaya, ibig sabihin, gayahin ang tinig ng ibang tao: bata, matanda, babae, maysakit… o mga hayop: ibon, aso, pusa… o tunog ng mga sasakyan, instrumentong musikal…
Sa pagtatanghal kanina, narinig natin ang dalawang instrumentong musikal, accordion at trumpet. Ang tunog ng accordion ay tunay. Pero ang tunog ng trumpet ay ginaya ng isang tao na si Luo Sang.
Sa susunod, maririnig ninyo ang melody na ginawa naman ng bibig ng naturang performer.
Tungkol sa pagpapatawa, kailangan ang mga jokes, at dapat nagtutuksuhan ang dalawang performer…
Ika-4 at panghuli, pagkanta, ibig sabihin, isinasalaysay ang kunwento sa pamamagitan ng kanta.
Nagmula ang Xiangsheng sa central north China noong Ming Dynasty, at kilalang kilala ngayon sa Beijing, Tianjin, at Hebei. Marami sa mga master ay taga-Tianjin, sila ay sina "Ma sanli", "Guo degang", "Ma ji", "Yang Yi" at iba pa.
Bukod sa entertainment, ano ba ang punksyon ng Xiangsheng?
Sabi ni Master Hou Baolin, Xiangsheng items are "works of comic nature which use satire and humor as their principal base. Their satirical content strikes home at contemporary malpractices and also often includes political satire."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |