|
||||||||
|
||
Isasalaysay ko sa inyo ang isang sinaunang clay vessel flute ng Tsina.
Bago tayo magsimula, tingnan muna natin ang mga koment ng ating mga kaibigan noong nagdaang linggo, hinggil sa Guqin, isang tipikal na plucked musical instrument ng Tsina.
Ivy nunes: Wow, sa mga parts pa lang komplikado na. Ano pa kaya kung tutugtugin?
Poska: This is where the difference between progressive sound and traditional sound comes in. The latter has more classic element.
Vic: Mas malaki ang voice box nito kumpara sa erhu kaya hindi lang highly resonant ang sound, malalim pati.
Howard: d2 maha2sa n @ d same time matsa-challenge ang ka2yahan natin sa music appreciation. malayo i2 sa karaniwang musical instruments na alam natin at lagi nating nari2nig.
Mato: hi, ate andrea! wala lang. gusto ko lang magparamdam at ipaalam na lagi akong nakikinig sa maarte ako.
Mark: Hindi siguro pwedeng dayain ang pagkalabit dito. Either you pluck it right or you are out of tune.
Stephanie lim: cyempre, guqin is guqin and zither is zither. para sa mga marunong makinig, ang guqin ay hindi maipagkakamali kahit hindi nakikita at naririnig lang.
Pablo cruz: so, iba naman iyan, ha? alam ko ang zither pero hindi ko alam ang guqin. ngayon ko lang narinig ang instrument na iyan. interesting.
Tanong ni Liat: Anong stringed-instruments ang natutugtog mo, ate andrea? mukhang musically inclined ka, eh.
Hindi ako marunong tumugtog ng stringed-instruments. Noong bata pa ako, nag-aral ako ng wind instruments.
Maraming maraming salamat po sa inyong pagsubaybay at pagkatig, mga kaibigan!
Sa 6 na klase ng mga tradisyonal na instrumentong Tsino, nakilala na po ninyo ang stringed musical instruments at plucked musical instruments; ngayon, pupunta naman tayo sa wind musical instruments. Isasalaysay ko sa inyo ang Xun.
Ang Xun ay isa sa mga pinakamatandang wind instrument ng Tsina. Ito ay mayroon nang pitong libong taong kasaysayan.
The front of a glazed pottery xun, showing blowing hole and six finger holes
The back of a glazed pottery xun, showing blowing hole and two thumb holes
Ayon sa alamat, ang Xun ay nagmula sa isang kasangkapan sa pangangaso. Noong sinaunang panahon, ginagamit na pangaso ng mga tao ang mga nakataling bato o hungkag na bolang putik. Kapag ang bolang hungkag ay sinimulang iwasiwas, ito'y gumagawa ng ingay. May Dahil dito, sinubok ng mga tao na hipan ang mga hungkag na bolang ito, nang maglaon, ito ay naging isang simpleng instrumentong musikal—ang xun.
Ang unang mga Xun ay yari sa bato o buto at kasunod ng paglipas ng panahon, gumamit na ang mga tao ng luwad sa pagyari ng Xun. Iba-iba ang hitsura ng mga unang Xun, nguni't marami ang hugis peras.
Ang ibat-ibang hitsura ng Xun
Sa itaas ng Xun ay may isang butas na ginagamit na mouthpiece at ang ibabang bahagi nito ay patag at sa gilid ay may isang butas.
Mula noong dekada treinta (30), sinimulan ni propesor Can Zheng ng Chinese Conservatory of Music ang pagsubok-yari ng Xun batay sa mga sinaunang Xun; at kalauna'y batay sa sinaunang Xun na may anim na butas. Sinubok-yari naman ni Propesor Cheng Zhong ng Tinjin Conservatory of Music ang isang bagong tipo ng Xun na may siyam na butas. Itong bagong tipong ito ang nagpanatili ng kalidad ng tono at anyo ng mga tradisyonal na Xun at kasabay nito, nagpalakas ng bolyum ng tono at nagpalawak ng tone range nito.
Di nagtagal, isang estudyante ni Propesor Chen Zhong na nagngangalang Zhao Liangshan ang matagumpay na nagsubok-yari ng Xun na may 10 butas at nagpuno sa kakulangan nito sa pagtugtog ng matataas na tono.
Pakinggan natin ang isang obra ni Zhao Liangshan, na pinamagatang Camel Song o Luo Tuo Song.
Ang naririnig ninyong obra ay pinamagatang Shepherd Su Wu. Ano ang masasabi po ninyo tungkol sa obrang ito?
Ang naturang obra ay tungkol sa national integrity. Si Su Wu ay isang opisyal noong Han Dynasty. Ipinadala siya ng Han sa Xiongnu, isang nationality noon para sa pagdalaw na pangkaibigan. Pero, pinigil siya at sapilitang ikinulong sa Xiongnu. Ayaw ni Su Wu na sumang-ayon. Kaya, ipinatapon siya sa Lake Baikal bilang pastol. Kapag nauuhaw, umiinom siya ng yelo; kapag gutom, kumakain siya ng balat ng tupa. Labing-siyam (19) na taon ang nagdaan, hanggang sa pagpanaw ng puno ng Xiongnu, bumalik si Su Wu sa Han. Matanda na siya at puti na ang lahat ng buhok.
Ang Shepherd Su Wu
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |