|
||||||||
|
||
Bago natin simulan ang paksa, tingnan muna natin ang mga comments ng mga magiliw na kaibigan hinggil sa Beijing opera noong nagdaang episode.
Lisa: very chinese, ha? unique sound and rhythm. this is meant for culturally inclined individuals.
Rolly: may kalaliman yang beijing opera. nakakaintriga ang lalim. napanood ko iyong DVD na padala niyo.
Xjade: hi, dear ma-arteng Andrea, congrats, ang nice ng MAARTE AKO:)
Lodie: thanks for making it simple for us. para kasing very complicated sa amin ito. naririnig lang namin pero hindi namin lubos na nauunawaan.
Bernie: four characters: to each his own, di ba?
kc orioste: buti naman, kahit digital period na tayo may mga nagtataguyod pa rin ng mga katutubong sining na tulad ng peking opera.
Dr. george: mula sa preproduction hanggang sa postproduction makikita ang pagiging masalimuot ng sining na iyan.
Maraming salamat po sa inyong pagkatig at pagsubaybay.
May mga tanong ang mga kaibigan.
Sabi ni rodel: alay, talaga gang maarte ka sa tunay na buhay, ate andrea?
Well, Maarte talaga ako dahil mahilig ako sa gawang sining. Pero, mas maarte si Kuya Ramon.
Tanong naman ni rolly: ano ang madalas na theme ng beijing opera at ano ang mensaheng madalas na ipinararating nito sa mga manonood?
Ang mga kadalasang tema ay kinabibilangan ng mga dulang pangkasaysayan, komedya, trahedya, at stunt. Pagdating naman sa mensaheng inihahatid, nabibilang dito ang pagiging matapat sa bansa, pagiging matapat sa kasintahan at asawa, pangangalaga sa kalayaan ng bansa, moralidad ng lipunan, at marami pang iba.
Mga themes ng Beijing opera
Farewell My Concubine, one piece of classical Peking opera. The woman, Consort Yu, deeply loved the King Xiang Yu (middle of the stage), and when he failed in the war, she committed suicide for him.
A scene from a play based on the Generals of the Yang Family legends
The character Sun Wukong at the Peking opera from Journey to the West
Okay, ipagpapatuloy natin ang kaalaman hinggil sa Beijing opera. Punta muna tayo sa apat na paraang pansining ng pagtatanghal ng Beijing opera, na tinatawag ding apat na bantayang kakayahan ng mga tagatanghal. Ito ay ang mga chang o pagkanta, nian o pagsasalita, zuo o pagkilos ng katawan, at da o kungfu at acrobatics.
(pics chang, nian, zuo, at da)
Alam ba ninyo, noong 2010, inilakip ang Beijing opera sa listahan ng intangible cultural heritage ng United Nations Educational, Scientific and cultural Organization (UNESCO). Bakit? Dahil sa katangian, kagandahan, at siyempre, sa mahabang kasaysayan nito.
Bilang pambansang opera sa Tsina, ang Beijing Opera, na nagsimula noong huling dako ng ika-18 siglo ang pinakamaimpluwensiya at kinatawan ng lahat ng opera sa Tsina. Base sa tradisyonal na Anhui Opera noong 1790, inadopt din nito ang musika, at teknik ng pag-arte ng Kun Opera at Qinqiang Opera: gayon din ang tradisyonal na folk tune sa pag-unlad nito. Sa dakong huli ay nakabuo ng napakamakabagong musika at paraan ng pagtatanghal. Ito nga ang Beijing Opera.
Noong huling dako ng ika-19 na siglo hanggang unang dako ng ika-20 siglo, ang Beijing Opera ay nahahati sa mga maiikling kuwento, na makikilala sa pamamagitan ng pagkanta, at martial pieces (kinatatampukan ng acrobatics at stunts). Ang ilang pagtatanghal ng Beijing Opera ay mga kombinasyon ng naturang dalawang klase. Mayroon itong dalawang orkestra, kung saan ginagamit ang mga instrumentong de-kuwerdas na sinasaliwan ng kanta, at sinusundan ng isang di-mababagong pattern, pero may iba't-iba namang melodya at himig. Ang Jinghu naman ay isang maliit na bowed instrument na may dalawang kuwerdas: ito ang gulugod ng orkestra.
Pagtatanghal ng Jinghu
Ang mala-operang diyalogo at monologo ay tinutula sa diyalektong Beijing at ang ilan sa mga kataga ay binibigkas sa natatanging paraan.
Talagang medyo mahirap na naunawaan ang diyalogo ng Beijing opera para sa mga dayuhan. Pero, mauunawaan ninyo ang bahagi nito mula sa mga pagkilos ng mga aktor at aktres, dahil gumagamit sila ng mga matatag na pagkilos, na gaya ng paghimas ng balbas, pag-ayos ng sombrero, paghaltak ng manggas o pagtaas ng paa, upang ipahayag ang ilang imosyon at kahulugan.
Ang panginginig ng mga kamay at katawan ay nagpapakita ng labis na galit at ang paghaplit ng manggas ay nagpapahayag ng pagkainis. Kapag itinaas ng aktor ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanyang ulo at inihaplit ang kanyang manggas sa likod, siya'y namangha o nagulat. Ipinapahayag ng isang aktor o aktres ang kanyang pagkahiya sa pamamagitan ng pagtatakip ng isang manggas sa kanyang mukha. Ang ilang paggalaw ay hindi madaling maunawaan. Kapag nababahala, hihimasin ng aktor ang kanyang mga kamay sa loob ng ilang minuto. Ang akrobatikong labanan sa Peking Opera, sa pagitan ng dalawang panig o labu-labo ay isang matalinong kombinasyon ng martial arts at pag-arte.
Mahigit 2 siglo na ang nakaraan sapul nang magsimula ang Beijing opera. Pagkaraan ng mahigit na 2 libong taong pag-unlad, ano na kaya ang situwasyon nito ngayon? Pakinggan muna natin ang sabi ng ilang tagasubaybay.
Poska: ...but of course, beijing opera is as popular as ever-- popular in all china and elsewhere in the world.
Rowena: hindi lang ako sure kung maa-appreciate iyan ng ating mga kabataan ngayon. alam niyo naman cla, masyadong westernized.
Ronna: may nagpalabas ng ganyan dito sa sentrong pangkultura pero mga local chinese.
Salamat sa mga masters na gaya ni Mei Lanfang, bukod sa Tsina, nakarating na ang Beijing opera sa maraming lugar, lalong lalo na, sa mga tinitirhan ng mga ethnic at overseas Chinese sa iba't ibang sulok ng daigdig. Ngayon, nagpapatuloy ang pag-unlad nito sa mas maraming dayuhan kasabay ng pagtatatag ng Confucius Institutes at Confucius Schools.
Samantala, sinusubok ding palaganapin ng mga Tsino ang Beijing opera sa mga makabagong paraan. Halimbawa, sa ika-37 Miss Bikini International noong 2012, nakasuot ang mga kalahok na babae ng bikini na may elementong Beijing opera. Iba't iba ang reaksyon ng pulibiko tungkol dito. Ilan ang kumatig sa bagong ideya. Iyong iba, binatikos ito dahil nakakasira umano ito sa natural na kagandahan at dangal ng Beijing opera at sining Tsino.
Miss Bikini International
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |