|
||||||||
|
||
Ipagpapatuloy natin ang paksa hinggil sa Beijing opera o Peking opera.
Simulan natin mula kay master Mei Lanfang. Si Mei Lanfang ay isinilang noong 1894. Noong 1919, nagtanghal si Mei sa Hapon, noong 1930, nagtanghal siya sa E.U. at noong 1934, nagtanghal siya sa Europa. May isang pelikulang Tsino base sa buong buhay ni Master Mei, at pinamagatan itong Forever Enthralled.
Apat ang papel sa Beijing opera: ang lalaki, babae, papel ng may pintang mukha, at ang payaso. Ang bawat papel ay may tiyak na estilo ng pagkanta at pag-arte. Si master Mei ay kilalang-kilalang sa paggampan niya sa papel na babae, kahit siya ay isang lalaki.
Ang Sheng o papel ng lalaki
Ang Sheng o papel ng lalaki ay nahahati sa tatlong kategorya: matanda, bata at eksperto sa matial arts.
Ang Dan o papel ng babae
Ang Dan o papel ng babae ay kinabibilangan ng mga bata at middle-aged, inosente at talipandas na babaeng marunong ng martial arts at matatandang babae.
Ang Jing o papel ng may pintang mukha
Ang Jing o papel ng may pintang mukha ay kadalasang ginagampanan ng mga lalaking prangka at bukas ang isip, na may makukulay na pinta sa mukha.
Ang Chou o payaso
Ang Chou o payaso ay makikilala sa pamamagitan ng isang puting guhit sa magkabilang tabi ng kanyang ilong. Ang tauhang ito kung minsan ay positibo, mabuti ang kalooban at nakakatawa, pero kung minsan naman ay negatibo, tuso, malisiyoso o hangal.
Bukod kay Master Mei Lanfang, 3 iba pa ang kilalang artista sa papel ng Dan o papel ng babae. Sila ay sina Cheng Yanqiu, Xun Huisheng at Shang Xiaoyun. Pawang lalaki sila at tinatawag na 4 na paksyon. Iba't iba ang katangian ng pagtatanghal ng nasabing apat na paksyon.
Apat na kilalang artista: Mei Lanfang, Cheng Yanqiu, Xun Huisheng at Shang Xiaoyun
Ang paksyon ni Mei ay graceful. Halimbawa, ang Drunken Concubine.
Si Master Mei Lanfang
Ang paksyon ni Shang ay bold and forthright. Halimbawa, ang Leifeng Pagoda.
Si Master Shang Xiaoyun
Ang paksyon ni Cheng ay sweet and agreeable. Halimbawa, ang Cheng-chi's Captivity and Return.
Si Master Cheng Yanqiu
Ang paksyon ni Xun ay witty. Halimbawa, ang Treasure Case.
Si Master Xun Huisheng
Sabi ng isang magiliw na tagasubaybay na si Tina:
Sa tingin ko, considering the costumes and make-up, itong beijing opera ay nangangailangan ng malaking budget para mai-present.
Tama ka, Tina. Talangang nangangailangan ng malaking budget para mai-present ang Beijing opera. Bukod sa nasabi mong costumes at make-up, kinakailangan din ang mga props.
Okay, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil sa costume at props.
Ang costume ng Beijing opera ay nababase sa kasuotan noong Ming Dynasty. Ang mga prop ay kinabibilangan ng telon, tolda, payong, latigo, sagwan at sandata. Realistiko ang mga prop. Ang eksahirasyon at pagiging simboliko ay katangian ng opera. Ang paghawak ng latigo ay sapat nang nagpapakitang ang aktor ay nagpapatakbo ng kabayo. Ang ilang sundalo sa tanghalan ay maaaring kumatawan ng buong hukbo. Ang paglilibot ng aktor sa entablado ay nagpapahiwatig ng malayong paglalakbay. Kadalasa'y may isang mesa at ilang upuan lamang sa entablado. Ang diskripsiyon ng maraming situwasyon ay depende sa pagtatanghal ng mga aktor at aktres. Ang pagbubukas ng pinto, paglakad sa gabi, pagsasagwan ng bangka, pagkain, pag-inom at iba pa ay pawang ipinakikita sa pamamagitan ng estilo ng pagkilos ng mga aktor at aktres. Ginagamit din ng mga tagatanghal ang kanilang mga mata at pahiwatig ng mukha upang makatulong sa pagbibigay ng partikular na kahulugan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |