|
||||||||
|
||
PTNT/20131021.m4a
|
Ang pelikulang "A one and A two" ay nagkukuwento ng pamumuhay ng isang normal na Taiwanes na pamilya. Malaki ang pamiliya na ito, mayroong maraming miyembro: isang 80 taong gulang na lola, who has a daughter na si Minmin, and a son na si A Di. Si Minmin ay isang middle aged na babae na mayroong isang asawa at dalawang anak, a boy, si Yangyang, and a girl, si Tingting.
Nagsimula ang kuwentong ito sa wedding ni A Di, son ng grandma. Sa wedding nito, ang grandma ay nagka stroke, at na-coma. Sinabi ng doktor na dapat makipag-usap sa kanya ang mga kamag-anak niya bawat araw para makatulong na bumalik siya sa normal na kalusugan. Kaya araw-araw habang nasa ganitong kalagayan, ang mga miyembro ng pamiliya na ito ay sunud-sunod na pumupunta sa ospital at nakikipag-usap sa grandma.
Ang nilalaman ng pakikipag-usap ng mga kamag-anak sa grandma ay sariling pamumuhay nila. Kasi ang grandma ay walang malay at may sakit, sinasabi ng mga miyembro ng pamiliya na ito ang tunay nilang damdamin at palagay sa mga pangyayari na naganap sa kanilang pamumuhay.
Simple ang kuwentong ito, pero, sa pamamagitan ng tunay na expresstion ng mga miyembro ng pamiliya, maaaring maramdaman ng mga tagapanood ang isang tunay na saloobin mula sa kaibuturan ng kanilang puso sa harap ng normal, pero mahirap na pamumuhay.
Ipinalabas ang pelikulang ito noong 2000, at nakuha nito ang maraming kilalang awards na kinabibilangan ng Best Films sa ika-35 National Society of Film Critics Awards ng USA, Netpac awards sa Karlovy Vary International Film Festival noong 2000, at si Edward Yang, direktor ng pelikulang ito, ay nagtamo ng Best Director Award sa Cannes Film Festival.
Si Edward Yang ay kilalang direktor sa "old generation" ng Taiwan. Siya ay isinilang noong 1947 at namatay na noong 2007.
Si Edward Yang ay tunay na talented direktor at nagbigay siya ng malaking ambag para sa pelikulang Tsino. Datapuwa't sumakabilang buhay na siya, iniwan niya ang mga pelikula sa memorya ng mga tagapanood.
Ang buong pamilya
Ang grandma at si Tingting
Si Minmin
Sina NJ at Yangyang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |