|
||||||||
|
||
Maarte/20131029.m4a
|
Bago natin simulan ang programa ngayong gabi, pakinggan muna natin ng mga feedback mula sa mga kaibigan:
Sabi ni Rolly: iyong pinagdaanan ng ating bida e pinagdadaanan ng karamihan sa mga alagad ng sining.
Sabi ni Dr. george: talaga ngang may kalaliman ang sining ng tsina. kasinglalim din ng kasaysayan ng sibilisasyon nito.
Sabi ni Poska: this art form is not familiar with me. this must be very, very special and very chinese.
Sabi ni ronnalyn: hehe, kilala ko si zhao. nakikita ko sa tv. lagi akong naka-tune sa cctv, eh.
Maraming salamat po sa inyong pagkatig. Sana'y sa pamamagitan ng programang "MaArte Ako," naging mas marami at malalim ang inyong pagkaunawa sa arteng Tsino sa malawak na lupang ito .
Ngayong gabi, dalawin natin ang Timog Tsina para alamin ang Kun Opera.
Pag-arte ng Kun Opera
Ang Kun Opera na tinatawag ring Kunshanqiang o Kunqu ay nagmula sa rehiyong Kunshan ng Lalawigang Jiangsu. Ito'y isa sa mga klasikal na opera ng Tsina, na may mahigit 500 taong kasaysayan. Noong 2001, inilakip ito sa listahan ng Masterpieces of the Oral and Intangible Heritage of Humanity ng UNESCO.
"The Peony Pavilion"
Maarte/201310291.m4a
|
Si Du Liniang
Ang obrang ito ay tunay na kumakatawan ng mga katangian ng Kun Opera. Ito ay may isang kompletong sistema ng pag-arte at saka may sarili itong natatanging tono. Ang malawak na repertoire nito ay may maraming banayad at eleganteng tono. Ang orkestra ay binubuo ng mga tradisyonal na intrumentong kinabibilangan ng Dizi, isang horizontal bamboo flute na siyang tumutugtog ng pangunahing parte; Xiao, isang vertical bamboo flute; Sheng, isang mouth organ at Pipa, isang plucked string instrument na may fretted finger board. Maraming Chinese local opera ang lubhang naimpluwensiyahan ng mga tono nito at estilo ng pag-arte.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |