|
||||||||
|
||
Maarte/20131105.m4a
|
Bago natin simulan ang programa ngayong gabi, pakinggan muna natin ang ilang feedbacks mula sa mga kaibigan-tagapakinig:
Carol: sounds too complicated to me. cguro you really have to dig deeper into the history of this art na sabi niyo ay may long history.
super DJ happy: haay, si ate andrea, mapang-agaw talaga ng eksena, hehe...pero di bale, basta ikaw. alam mo naman na luv na luv ka namin d2 sa pinas, hehehe...
Mato: mabuhay ka, ate andrea. super maarte ka, hehehe...
Maraming salamat po sa inyong pagkatig. Sana, sa pamamagitan ng programang "MaArte Ako," mas madaragdagan ang inyong kaalaman at mas lalalim ang inyong pagkaunawa sa arteng Tsino sa malawak na lupaing ito .
Ngayong gabi, ipagpapatuloy natin ang Kun Opera. Hayaan niyo munang isalaysay ko sa inyo ang hinggil sa The Peony Pavilion.
The Peony Pavilion
Maarte/201311051.m4a
|
Ang naririnig po ninyo ay ang pinakakilalang bahagi ng Peony Pavilion, na pinamagatang "You Yuan Jing Meng."
Tulad ng sinabi ko noong nagdaang episode, ang "The Peony Pavilion" ay tungkol sa romantikong love story na nagpapakita ng matapang na paghahanap ng kalayaan sa pag-ibig at kasal ng dalawang bida na sina Du Liniang at Liu Mengmei. Ang kaya ang kuwento tungkol sa kanila?
Sina Du Liniang at Liu Mengmei
Si Du Liniang ay isinilang sa isang mayaman at makapagpangyarihang pamilya. Ang tatay niya ay isang mataas na opisyal ng pamahalaan ng Song Dynasty. Noong panahong iyon, walang karapatan ang mga dalagang Tsino sa pagpili ng kanilang mapapangasawa. Ang kanilang mapapangasawa ay pinipili ng kanilang pamilya, ayon sa katayuang panlipunan ng pamilya ng lalaki. Halimbawa, ang mga dalaga at binata na kapwa isinilang sa mayaman at makapagpangyarihang pamilya ay napakakasal kahit hindi nila minamahal ang isa't isa. Ang mga dalaga at binata naman na kapwa isinilang sa mahirap na pamilya o mula sa mababang antas ng lipunan ay siyang dapat na magpakasal. Kaya, si Du Liniang ay dapat magpakasal sa isang mayamang lalaki.
Isang araw, pagkaraang mamasyal sa parke si Du Liniang, nanaginip siyang nag-date sila ni Liu Mengmei, isang mahirap na scholar. Napakasaya nila sa kanyang panaginip, kaya nang magising siya ay nakaramdam siya ng kalungkutan at, makaraan, dinapuan siya ng karamdaman dahil sa matinding pananabik. Bago siya namatay, ibinilin niya sa kanilang utusan na ilibing siya doon sa parke at ilagay doon ang kanyang larawan.
Pagkaraan ng 3 taon, dumaan si Liu Mengmei sa parke makaraang kumuha ng pambansang eksaminasyon, pinakamahalagang eksaminasyon para sa mga scholars na kung maipapasa niya, siya ay magiging opisyal ng pamahalaan. Nakilala ni Liu Mengmei ang larawan ni Du Liniang. Sa kanyang panaginip, nagtagpo ang dalawang bida. Alinsunod sa tagubilin ni Du, dapat hukayin ni liu ang libingan ni Du para muli siyang mabuhay. Ikinuwento ito ni Liu sa tatay ni Du, pero hindi ito pinaniwalaan ng matanda at ipinabilanggo pa si Liu. Sa wakas, lumabas ang resulta ng eksaminasyon ni Liu, at siya ay hinirang bilang opisyal ng pamahalaan. Naantig ang emperador sa istorya nina Du Liniang at Liu Mengmei, at binasbasan niya ang pagpapakasal ng dalawang bida.
Happy ending ang kuwento pero maraming "twists." Kaya, kung mapapanood ninyo ang operang ito, magkakahalong saya, lungkot at sigla ang inyong mararamdaman.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |