|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pilipinas, MNLF at OIC, maghaharap sa Guinea
MAGAGANAP din ang pag-uusap ng Moro National Liberation Front, Government of the Philippines at Organization of Islamic Cooperation sa darating na Disyembre, pagkatapos ng ika-40 OIC Council of Foreign Ministers Meeting. Ayon sa OIC idaraos ang pagpupulong mula ika-siyam hanggang ika-11 ng Disyembre sa Guinea.
Sa isang press conference sa Jeddah, Saudi Arabia kahapon, sinabi ni Ekmeleddin Ihsanoglu, secretary general ng OIC na pursigido ang kanilang samahan na tumulong upang matamo ang kapayapaan sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
Kailangan umanong mabuo ang Bangsamoro Coordination Forum kasabay ng paanyaya sa mga kasaping bansa, mga tanggapan at mga specialized at affiliated institutions at Islamic charitable institutions upang dagdagan ang makataong tulong sa mga nasalanta ng kaguluhan sa Zamboanga City noong nakalipas na Setyembre.
Idinagdag pa ni Ihsanoglu na kailangang magkaroon ng koordinasyon ang Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front. Magugunitang binaggit ng Pilipinas na tapos ang pakikipag-usap sa MNLF kaya't nakatuon na ang pansin sa pakikipag-usap sa Moro Islamic Liberation Front. Ang Bangsamoro Coordination Council ang magiging tulay sa pagitan ng dalawang samahang Muslim.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |