
Noong hapon ng ika-28 ng nagdaang Oktubre, isang rumaragasang SUV ang umararo sa mga turista at mga taong naglalakad sa isang panig ng Tian'anmen sa kalunsuran ng Beijing. Pagkatapos nito sinusog rin ng mga sakay ng SUV ang kanilang sasakyan. Ikinamatay ang insidenteng ito ng limang tao na kinabibilangan ng tatlong maykagagawan, at ikinasugat ng 40 iba pa. Kabilang dito, nasawi sa insidente ang isang kababayang Pilipino, at nasugatan ang tatlong miyembro ng kanyang pamilya.
Sa pamamagitan ng imbestigasyon, kinumpirma ng panig pulisya ng Beijing na teroristikong pang-aatake ang insidenteng ito na ginawa ng mga ekstrimistikong seperatista. Ang insidenteng ito ay nakakatawag ng pansin hindi lamang sa buong Tsina, kundi rin sa mga pandaigdig na media.
Anu-ano ang mga bagay sa insidenteng ito na binibigyang-pansin ng lahat? Pag-usapan Natin! Pakinggan naman ang isang maikling pahayag na ipinalabas ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina kaugnay ng insidenteng ito.