Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

FAKE FICTION

(GMT+08:00) 2013-11-08 16:30:12       CRI

Para sa mga nakakalimot si Xu Zheng ang bida sa mega hit na pelikulang Crazy Stone (2006)Sinundan ito ng Call for Love (2007) Crossed Lines (2007) at Crazy Racer (2009).

2010 muli nanamang tumabo sa takilya ang pelikula ni Xu Zheng na Lost on Journey tapos sinundan ito ng monster hit na Lost in Thailand (2012).

Para sa taong 2013 lumabas siya sa mga pelikulang One Night Surprise at Fake Fiction.

Si Xu Zheng ang isa sa mga bankable stars ng showbiz dito sa Tsina. Marami na siyang nagawang pelikula. Pati mga commercials ay in demand din ang komedyante.

41 years old na ang sikat na actor at para sa mga di nakakaalam ipinanganak siya sa Shanghai.Bukod sa pagiging actor, si Xu Zheng ay isa ring director, screenwriter at producer. Nagtapos siya sa Shanghai Theatre Academy noong 1994.

Sa kanyang pagganap bilang con-artist/magician na si David Ou, kapani-paniwala ang kakayanan nyang gumawa ng tricks. Syempre di na pagtatalunan, hit na hit ang comic scenes nya. Pero pagdating sa dramatic at emotional scenes, ipinakita niya ang pinakamadaling paraan para ilahad ang emosyon ng karakter niya, ito'y walang iba kundi ang sumigaw at magwala, over-acting at walang lalim. Mukhang madami pa siyang pagdadaanan para makaantig ng damdamin pagdating sa mga madramang eksena.

Di na bale sinalo naman siya ni Zhang Zifeng na gumanap bilang long lost daughter na si Diudiu. Napanood natin sya sa pelikulang Aftershock at talagang pang drama ang batang ito. Malayo ang mararating niya dahil magaling siyang umarte at kaya niyang makipag sabayan sa mga beteranong tulad ni Xu Zheng.

Sa kabuuan ang Fake Fiction ay isang family film na magugustuhan bata man o matanda.

RATING Machelle at Andrea : 9 points

Si Xu Zheng

Si Zhang Zifeng

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>