|
||||||||
|
||
PTNT/20131111.m4a
|
Pwede pala maging deadly and delicious na pagkain?
Ito ang nakita ng mga movie buddy sa pelikulang Deadly Delicious kung saan ginamit ang mga espesyal na pagkain para maghiganti.
Isang misis ang nagplano ng kanyang sweet revenge matapos nitong madiskubre na may ibang babae pala ang asawa niya.
Walang eksena ng hysterical wife pero nakita natin ang napaka talinong paraan para isagawa ang paghihiganti niya kaya totoo talaga ang saying na "the way to a man's heart is through his stomach." And it can also be the way to make him pay for this philandering ways.
Ang mga genius sa likod ng pelikula ay sina: Director Writer Zhao Tianyu at Co-writer Wang Yan . Adapted mula sa libro ni Shuqiao na Shuang Shi Ji ang pelikula.
Ang mga aktor ay sina Francis Ng bilang Jiaqiao, Jiang Yiyan bilang CcCo at Yu Nan bilang Li Chunyan.
Sa simula ng pelikula nakita natin ang caption na ito: Confucious' Book of Rites : Food drink Man and woman these are the essential desires of mankind. Agree ang mga movie buddiea dito walang duda.
Maging sa premise mula sa Mensius' Book of Gaozi na Food and sex are inherent nature of people ay di rin dinebate nina Mac at Andrea ito.
Pwedeng sabihin na feminist movie ito at pwede ring anti-male. Pero sa isang banda men by nature are poligamous kayo na ang humusga.
Isa sa mga nagustuhan namin sa Deadly Delicious ay ang dahan dahang paglalahad ng mga sikreto sa kwento. At dahil dito nakalikha si Director Zhao Tianyu ng interes at suspense. Malikhain ang paggamit ng mga exotic recipes kaya naging unpredictable ang storyline.
Epektibo ang style ni Zhao Tianyu sa horror unti unti at babantayan mo ang kalalabasan. Ang bawat karakter ay may makatotohanang emosyon at grabe halos inhuman ang kalupitan na sinapit ng bawat isa. Sa katapusan wala ka dapat sisihin sa kinalabasan ng buhay nila.
Magaling ang mga aktor. At nakakatakot si Yu Nan sa papel niya.
Rating: Machelle 9.5 at Andrea 9
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |