|
||||||||
|
||
Maarte/20131112.m4a
|
Sabi ni Carol, "the twist and turn of the story really make a big difference. In reality, there is no new story. Every story has already been written once or twice." Sabi naman ni Cherry Pie, "tama kayo," ordinary lang ang plot, pero yung mga twist made the film interesting to see."
Tamang-tama po kayo Carol at Cherry Pie. Salamat sa inyong komento. Bukod dito, kapag iniawit at itinatanghal sa stage ang kuwento, mas maganda ito kaysa sa aking pagsasalaysay lamang.
Alam ba ninyo, lima ang uri ng opera ng lahing Han, na siyang bumubuo ng 92% ng populasyon Tsino. Ang mga ito ay Peking Opera, Yue Opera, Pingju, Henan Opera, at Huang Mei Opera. Ngayon gabi, isasalaysay ko muna sa inyo ang hinggil sa Huang Mei Opera.
Bago natin simulan, pakinggan muna natin ang isang obrang nabibilang sa Huang Mei Opera na pinamagitang "Eighteen miles away."
Maarte/201311121.m4a
|
Alam po ba ninyo ang lalawigang Anhui? Ito ay isang malaking lalawigan sa Silangang Tsina, na malapit sa Jiangsu at Shanghai.
Ang Anhui ay nakapag-ambag nang malaki sa sining at kultura ng Tsina. Ang Anhui ay kilalang-kilala sa reputasyon nito sa tradisyonal na pagtatanghal at operang Tsino. Ang pinakapopular dito ay ang Huang Mei Opera, na may mahigit 200 taong kasaysayan. Noong 2006, inilakip ang Huang Mei Opera sa listahan ng China Intangible Cultural Heritage.
Ang Huang Mei Opera ay nagmula sa tradisyonal na folk dancing, mga awitin at pagtatanghal ng Tsina na nasesentro sa An Qing county ng Anhui.
Dahil may temang pambayan at pangkanayunan, ang Huang Mei ay kilala ng marami bilang opera ng mga taganayong Tsino. Ang sariling katangian ng mga awitin na madaling pakinggan at banayad ay madaling pumukaw ng emosyon ng mga tao at damdamin ng mga tauhan sa mga kuwento. Bukod sa madaling maunawaan at masarap pakinggan, ang mga kuwento sa Huang Mei ay may-kinalaman sa mga kuwentong bayan at buhay ng mga karaniwang taganayon sa Tsina, na siyang dahilan kung bakit napakapopular nito sa mga Chinese audience.
Dahil sa pagiging popular nito sa Tsina at umaakit ng ibayong pansin mula sa labas, ang Huang Mei Opera ay naitanghal na sa maraming lugar sa Tsina na kinabibilangan ng Hongkong, Macao, at Taiwan; at ibang bansa sa Asya at Europa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |