Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtulong sa mga nasalanta, bumibilis na

(GMT+08:00) 2013-11-20 17:44:13       CRI

Mga Pilipino sa Gitnang Silangan ang nangunguna sa @Pontifex

MALUGOD na ibinalita ni Msgr. Paul Tighe, ang Kalihim ng Pontifical Council on Social Communications na laking gulat nila ng suriin ang pinakamaraming followers ng Santo Papa sa Roma na noo'y si Pope Benedict XVI at hinalinhan ni Pope Francis.

Sa panayam ng CBCP Online Radio, sinabi ni Msgr. Tighe, isang paring tubo sa Dublin, Ireland, na malaki ang magagawa ng social communications sa mga pamilyang magkakalayo dahilan sa hanapbuhay. Sa pamamagitan ng social media ay madali nang makausap ang isang anak o magulang o asawa ng isang nangibang-bansa.

Ipinaliwanag ni Msgr. Tighe na 'di tulad noong mga nakalipas na dekada, pawang sulat, telegrama at overseas calls ang napakikinabangan ng mga nangingibang-bansa, mas mura na ang komunikasyon sa pamamagitan ng smart phones.

Sa kanilang karanasan sa Vatican, ikinagulat nilang mabatid ang maraming followers ng @Pontifex na nagmula sa Gitnang Silangan. Matapos nilang suriin ang kanilang datos ay nabatid nilang ang mga ito ay pawang mga Pilipino na nakikipagpalitan ng pananaw, nagtatanong at nagpaparating ng kanilang paniniwala sa mahahalagang isyu na inilalabas ng Santo Papa.

Nanawagan siya sa mga Pilipino na patuloy na makiisa sa paggamit ng social communications upang mai-angat ang kaalaman at pananampalataya.

Na sa Pilipinas si Msgr. Tighe upang magsalita sa Second Catholic Social Media Summit na magmumula sa Sabado, ika-23 ng Nobyembre sa Colegio de San Juan de Letran na itinataguyod ng CBCP Media Office at iba pang mga tanggapan sa loob ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Magtatapos ang pagtitipon sa darating na Linggo, ika-24 ng Nobyembre.


1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>