|
||||||||
|
||
PTNT/20131118.m4a
|
Para sa maraming mga Pinoy, di pamilyar ang Yu Opera. Ano ba ito ay sino-sino ang mga taong nasa likod ng sining na ito? Ang pelikula na One Foot Off the Ground ay tungkol sa isang grupo ng mga opera performers. Tungkol ito sa kanilang pamumuhay at kahirapan. Sa paglipas ng panahon naging kaunti ang tumatangkilik sa Yu Opera, nalaos kung baga at naging baduy na para sa bagong henerasyon. Dahil sa di maiiwasang pagbabagong ito, apektado ang buhay ng mga gumaganap na artista sa tradisyunal na sining ng Yu Opera.
Sa kwento, mahina na nga ang kita, minalas pa ang kanilang tropa dahil naaksidente ang direktor at ninakaw ang pera nila. Dahil ito napilitan silang tumigil sa pagtatanghal. Para mabuhay samu't sari ang trabaho nila, may photographer, sabungero, nagbebenta ng aso, tindera, waitress at karaoke singer.
Low budget movie pero makabuluhan ang istorya. Di malayo ito sa takbo ng buhay ng maraming mga artists saan mang bahagi ng mundo.
Si Daming Chen ang direktor at scriptwriter ng pelikula. Gaya ng nabanggit maganda ang istorya at nangyayari ito sa totoong buhay. Pero sablay si Direk Chen dahil napakabagal ng pacing at tila ang tagal bago maresolba ang mga conflicts sa plot ng pelikula.
Ano ang mensahe ng pelikula? Ano mang pagsubok ay kayang lampasan basta maging masigasig lang. Dagdag pa rito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga tunay na kaibigan na pwede mong sandalan sa panahon ng hirap at ginhawa.
Rating : 8.5
CAST:
Xu Fan - Sumei
Li Yixiang - Ma San
Xiao Xiangyu - Dahong
Jin Hong - Sihai
Yao Lu - Liu Bing
Qiao Gesang Hongduo - Xiuju
Ren Silu - Juhua
Yu Genyi – Dong
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |