|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga silid-aralang napinsala ni "Yolanda" umabot na sa 4,500
ISANG malaking hamon sa Pamahalaan ng Pilipinas kung paano makakatugon sa pinsalang tinamo ng may 4,500 silid-aralan sa Eastern, Central at Western Visayas.
Buong akala ni Kalihim Bro. Armin Luistro ng Kagawaran ng Edukasyon ay masasagot na ng pamahalaan ang kanilang kakulangan sa mga silid-aralan subalit malaking dagok ang tumama sa pagdaan ng napakalakas na bagyo noong ika-walo ng Nobyembre.
May dalawampung mga guro at kawani ng kagawaran ang nabalitang nasawi.
Nakatakdang magkaroon ng "roll call" sa darating na Lunes, a-dos ng Disyembre upang mabatid kung sino ang nakaligtas sa trahedya. May mga school principal na problemado kung ilan sa mga bata ang nasawi, may mga magulang na nasawi at ilang bata ang naulila. Nagkasundo na ang mga principal ng Lungsod ng Tacloban na magkita-kita sa Lunes, ikalawang araw ng Disyembre. Pinakamahalaga sa Kagawaran ng Edukasyon na malaman at mabatid ang bilang ng mga mag-aaral na nasawi.
Sa ulat umano ng National Disaster Risk Reduction and Management Council may mga nasawing nasa pagitan ng 18 taong gulang pababa ay kinikilala ng tanggapan ni Kalihim Luistro na kanilang mga mag-aaral ang mga ito.
Pinag-aaralan din ng mga taga-Department of Education na magtayo ng bunk houses sa loob ng school compound upang doon na muna pansamantalang manirahan ang mga guro matapos mapinsala ang kanilang mga tahanan.
Sinusuri din nila kung ilan sa mga paaralan ang nararapat ilipat ng lokasyon matapos mapinsala dala ng daluyong na hatid ni "Yolanda."
Sa panayam din sa media kaninang umaga, sinabi ng kalihim na napapanahon na ring pag-aralan ang pagtatayo ng mga gusaling tatagal sa lakas ng hangin at pagdaluyong ng karagatan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |