Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Conspirators

(GMT+08:00) 2013-11-27 15:58:00       CRI

Kambal sina Oxide at Danny Pang, mga kilalang direktor na mula sa Hong Kong. Ang kanilang claim to fame ay ang hit movie na The Eye, isang horror film na sikat sa Asya.

Tunay na nakapangingilabot na pelikula ang The Eye kaya sobrang sikat ito. Kaya nagka Hollywood remake ito at maging sa India ay gumawa sila ng sarili nilang bersyon. Bukod sa The Eye, amg kambal din ang nasa likod ng Bangkok Dangerous. Bida sa Hollywood remake si Nicolas Cage kung matatandaan ninyo.

Ipinalabas ngayong taon ang Conspirators na written and directed ni Oxide Pang.

At ang cast ay kinabibilangan nila Aaron Kwok, Nick Cheung, Jiang Yiyan, Chen Kuan-Tai, Lin Wei, Chaos Lee, Siu Fei at Ah Niu.

Ang Conspirators ang 3rd film ni Aaron Kwok kasama si Oxide Pang. Una silang nagtambal sa hit na pelikulang The Detective (2007).

May dalawang Detective movies ang sumunod dito kung saan si Tan ang naatasang lumutas sa mga kaso. Sa Conspirators nakasama ni Tan si Zheng Fong Hei papel ni Nick Cheung. Magkasama silang nagiimbestiga ng isang murder na naganap 30 years ago. Ang mga biktima ay mga magulang ni Chan Tan. At ang paghahanap sa mga salarin ay nauwi sa pakikipaglaban nila sa isang drug cartel.

FYI sa mga di kilala si Aarok Kwok, napanalunan nya recently ang Best Actor award sa 5th China Image Film Festival para sa pelikulang Silent Witness. At sya rin ang record holder bilang nag-iisang aktor na nanalo ng 2 magkasunod na Golden Horse Awards bilang Best Actor. 2005 para sa Divergence at 2006 para sa pagganap niya sa pelikulang After This Our Exile.

Si Nick Cheung naman ay big winner din bilang Best Actor sa Shanghai International Film Festival nitong Hunyo para sa "Unbeatable. " At muling nanalo si Nick Cheung bilang Best Chinese Actor in Motion Pictures award sa 10th Huading Awards. So parehong bigatin na mga aktor ang napaanood natin sa Conspirators.

Trivia pa, ayon sa Chinese media sina Aaron Kwok, Jacky Cheung, Andy Lau at Leon Lai ang Cantopop Four Great Heavenly Kings . Si Aaron Kwok ang tinaguriang "Hong Kong Michael Jackson" dahil sa kanyang galing sa pagsayaw. Siya rin ang bida ng Cold War.

Madaling sundan at hindi kumplekado ang Conspirators. May ilang twists sa bandang dulo at sa pagtatapos lahat ng bida ay may happy ending. Rating ng mga movie buddy sa pelikula: 8

Si Aaron Kwok

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>